^

Entertainment

‘Happy Honeybee-rsary!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Happy Honeybee-rsary!’
The newlyweds… in 15 years, golden anniversary na!
Photo by Kester Rey Celestino

Sapagkat  March 1 and 19 kinasal kami,

So, bale last Sunday ang aming First Monthsary?

Ngek! I know ‘yung iba dyan they will find it funny,

Eh nagpapatawa lang naman ako kasi!

 

At bakit, ang ALDUB lamang ba ang pupwede?

Millennial o MAY LINYA same-same tayo pare!

Kayo nga pakasal TWO TIMES in one month sige!

Dun sa Supreme Court at sa Macao rin bumyahe!

 

At eto na nga ang newlyweds back from our journey,

Op kors nag-honeymoon kami ng My HONEYBEE!

Ngek! Ayan uli, para lang ‘yang Kalyeserye!

Bahala kayo basta kami nag-HANAMI!

 

Malamang iba dyan ‘di alam yun… he, he, he…

Eh di magtanong kayo kaya’y I.G.M.G.,

Millennial ka d’yan, pwe! HIR LANG U at DER KAMI!

There in Tokyo and watching The Blossoming Cherry!

 

Malamang may pupuna na naman sa huli —

“Blossoming Cherry” para rhyme naturalmente!

Not easy! Kahit si Shakespeare matuturete!

Bilangin n’yo syllables per line… LAHAT TRESE!

 

Magkakatunog pagdating sa dulo syempre,

Wari kang hinehele… uniporme… simple,

Sa beach ba pag nakakita ka ng babae,

Maganda ba ‘yung PINK ang bra, salawal… BERDE?!

 

But why March 1 and 19? Narito detalye —

March din kasi noon nang magtanan kami!

Nagtuloy sa apartment nina Mads and Tony!

“Blessed” first night thereSaint Bernard aming katabi!

 

Ngek! Eh nakitulog muna kami dun syempre,

At dun lang sa room katabi ng dog bakante!

Tahimik naman s’ya but parang elepante!

Imagine, may bantay pa kami… BIG but SMELLY!

 

Then after 35 years we’re going to marry!

‘Yan ay SACRAMENTAL MARRIAGE at meron kami —

DECREE LIFTING THE OBLIGATION OF SECRECY!

Why Macao? “Love is a gamble,” ‘yan aking sabi!

 

Ngeee! Dun kasi kami nagsisimba parati —

Our Lady of Mount Carmel! Alam n’yo nangyari?

Wow! Hagulhulang umaatikabo kami!

Halfway to the altar pa lang my bride RAN to me!

 

Para cum pleto, cum baga, summa cum laude,

Doon sa Supreme Court naman with Justice Andy!

Syempre may kodakan sa tatlong hosts ng EB,

Kung kaya exactly — TITO, VIC, ANDY, JOEY!

 

Syanga pala, March 19 yung kasal sa SC,

Itinaon namin sa Araw ni San Jose!

Si Saint Joseph sa buhay ko ay SPECIAL kasi!

Nung 40th Birthday ko may “encounter” kami!

 

Sa akin na lamang kung ano ang nangyari,

Sa nagtatanong ‘di ko naman kinukubli,

Basta simbahan kung saan nakasal kami,

Sa kabanatang ito s’yay muling kasali!

 

So there, thirty-five years in the making na story,

F.Y.I., nakatatlong wedding rings nga kami!

But wait, there’s more — meron pa pala ‘kong nasabi

Nung March 1 sa Macao kay Eileen My Honeybee!

 

I thought nun “Best Wishes” sa bride lang sinasabi,

At “Congratulations” naman dun sa lalaki,

Ang “wishes” napakahinhin ng dating kasi,

At parang ang “congrats” si pare nakadale!

 

Pero hindi pala at kahit ano pwede,

Sino ba’ng tinamaan ng lintik nagsabi?

Eto nga’t sabay pa kaya CONGRATULATE me,

The BEST happened… my WISH came true …

I MARRIED YOU eh!

GOLDEN WEDDING ANNIVERSARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with