In this life kung talaga ngang iisipin n’yo —
Wika nga sa Ingles, “We are just passing through!” TRUE!
Sa pupuntahan ‘di ka pa nga sigurado!
At kung babalik ka pa ngang tao…o ASO!
Wala ka ngang malay kung kelan ang dating mo!
Nakikiraan lang kumbaga, tayo’y dayo!
Tulad tulang ito…saan ba patutungo?
Aba ewan ko! Ganyan lagi Ang Poet N’yo!
Naumpisan na’t darating din sa dulo,
Sabi rin ‘yan nung mabuntis sa ‘yo nanay mo,
“NARIYAN NA ‘YAN!” paglabas mo rin sa mundo!
That’s life! You say “HI!” or “BOO!” to BUHAY! So, let’s go!
Lagyan lang kamalayan ang sa ngayong kaso —
Ano ang nais n’yo kung babalik muli kayo?
Saan ba gustong malipat kaluluwa n’yo?
Bagay o hayop ba o ano’ng uring tao?
Sige nga usapang reincarnation tayo
Kung naniniwala sa ganitong konsepto,
Kung ako ay babalik at hindi na tao,
Iisipin n’yong PAGONG pili ko siguro!
Dahil pinakamahaba ang buhay nito?
Maganda pa nga’y may sariling bahay ito!
Tingin n’yo nasisiraan ako ng ulo?
Ayoko! One hundred plus years na pagong ako!
Turtle? Neck este, ngek! But wait, medyo magulo!
They say galaw-galaw para humaba life mo
Pero ba’t pagong ang haba ng buhay nito?
Halos hindi maka-move on, kilos pa’y slowmo!
Kaya ano palagay n’yo sa ehersisyo?
Tanong: Pag nagpa-cremate ba raw isang tao,
Sa reincarnation s’ya rin ba raw ay ABO?
Hmmm…well, that is what you call ASH THE QUESTION you know!
And do you know oks na kahit ilan anak mo?
Meron pa ngang parang PIG…nag-anak ng WALO!
Mapipili rin yata kasariang gusto!
Mga tao sumosobra na ang talino!
Subalit karaniwang gumagawa nito
Ay ‘yung maykaya’t kayang suportahan luho!
‘Di tulad ibang parang pabrika ng tao!
Hirap pa sa daga ngunit HILIG-KUNEHO!
Kapag ang bobits ba laging bombo… bobo?
O baka mahiligin lang s’ya sa bambino?
Kaya’y may BOMBA lang nang BOMBA sa totoo?
Kabobohan ay kababuyan! Baboy sino?
Si kumare ba ito o ang kumpare mo?
Ang sasabihin ng iba…natural, PAREHO!
Waring “nasa langit” daw kasi laging gusto!
Parang eroplano! Wow, mali! ERROR PLANO!
Iba’y galit pa pag magplano suggestion mo!
Ipapakain pa sa iyo’y “LECHENG PLANO!”
Magsupot o bunot tinatamad pa ‘kamo!
HUGOT ngayon iba na kahulugan nito!
Kaya mga bata ang kawawa sa dulo,
From RAGS TO RUGBY ang madalas tuloy kaso!
Anak ng tatay na ayaw magsupot ito!
S’ya ngayon nagsusupot…SINISINGHOT pa ‘to!