Continuation ito ng nakaraang viaje
Nang lakbayin ang “talampakan” ng Italy,
Sa pagpapatuloy ng “FROM TULI TO TRULLI,”
Sa Amalfi Coast dumiretso ang family!
Ang tawag sa kanila ay VERTICAL CITY!
Ang pagpanhik-panaog dito’y mas marami!
First stop: RAVELLO, Hotel Villa San Michele,
Ang World-Famous dito’y The Gardens of Cimbrone!
Sinubukang maglakad papuntang ATRANI,
Isa ring cute na lugar sa Costa Amalfi,
Pero humahaging sa iyo mga kotse!
Nangyari: Sa kalye kumain ng panini!
Mula sa Ravello ay lumipat na kami
Sa Hotel Santa Caterina sa Amalfi,
Yum, yum, yum! At dito na naming nadiskubre
Pinakamasarap DELIZIA AL LIMONE!
Nun nga palang dinayo namin mga TRULLI,
Cristoforo Colombo pangalan ng kalye,
‘Yun din pangalan ng street namin sa Amalfi!
But wait, yun din via ng Hotel Sirenuse!
Ano pa tawag n’yo dun kundi “They come in three”?
Masisira rhyming ko kaya ‘wag nang MAKI!
At meron pang isang matinding discovery —
Only Pinay Head pa ng Housekeeping, si Daisy!
Galing s’yang Lago di Como sa Villa D’Este,
Numero Uno rin hotel n’ya sa Amalfi!
Ilan lang sa tumira ang Clinton Family,
Brad Pitt, Angelina Jolie at syempre… KAMI!
Mayaman Italia maging sa Mythology,
May grupo ng isla kung tawagi’y LI GALLI,
S’ya rin tinatawag ng SIRENUSE dati,
May mga sirena ayon sa sabi-sabi!
But sa alam nating kwento they’re somewhat FISHY,
Pero ang sabi dito — half-woman, half-birdie!
But really sa mythology sila’y matindi,
Pagkat sa kabilang isla nama’y… may CAPRI!
Ngek! Ke kapre, ke Capri, ang maganda nire —
‘Di ka pagod! Magpanhik-panaog is easy!
Pa’no naman at kasi may FUNICOLARE!
Very cute at top down pa ang mga taxi!
Hindi katulad sa Positano o Dios me!
Magmula sa otel naming Le Sirenuse
Papuntang beach, first half — steps na’y one hundred fifty!
Pagpanhik pabalik all toes na’y HINLALAKI!
Para ba ‘kong nag-stress test uli nang marami!
‘Di mapapansin dahil paligid mo’y beauty!
Kahit puro seafood risotto ang secondi!
And sweet combi — dessert and Mediterranean Sea!
Nagbunga ng maganda lahat… TUTTI FRUTTI?
We discovered the charm of a Vertical City!
At si Cristoforo sinamahan pa kami!
Not one but three! ‘Di lang COLOMBO but COLOMBI!
Basta! It’s only three ang aking masasabi —
I CAME, I SAW, I CONQUERED THE VERTICAL CITY!
And it’s true ‘yung hotel naming Le Sirenuse,
‘Yun sa “Only You” movie ni Tomei and Downey!