^

Entertainment

‘From Tuli To Trulli’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

“Tale as old as time” sabi sa Beauty and the Beast,

Ngunit pag Bakasyong Tag-araw na’y sasapit,

For the young boys ito na rin ang Feast of the PITS!

Or PUTS! Pititing at Pututoy binabanggit!

 

Op kors the TAIL in front is as old as time and them!

Naturalmente naman nakalawit na rin!

‘Yan ang Unang SILIP-ULO kung tutuusin!

 

Dati kasi TAKIP-ULO lang makikita,

Not completely naked noon pag supot ka pa!

Kaya nung LABAS-ULO na’y feeling nag-iba!

Nagkaron na ng hiya at may kiliti na!

 

Pag supot pa kasi tila walang malisya,

Tingnan n’yo si David at ibang estatwa,

May tabing pa kasi’t konting “bahag” pa,

Pagdating sining waring hindi masagwa s’ya!

 

‘Di ako sure kung tama istoryang nakuha —

Nagpauso raw ng tuli ay si Cleopatra!

Dahil pag LABAS-ULO raw ay mukhang KOBRA!

Kaya pala boys nun maraming nagpa-PALDA!

 

Kaya nga NILE the LONGEST galling NILALANGGAS!

Papyrus pa yata ang pinaka-BAYABAS!

Basta nung ang Queen of the Nile na ay mautas,

Natsismis na NAGAPATUKA S’YA SA AHAS!

 

Ngunit salitang TULI sa’n nga ba nagmula?

CIRCUNCIDADO naman sa wikang Kastila!

May balot na balat pa’t ‘di pa hinihiwa

Ang may paliwanag dahil may supot pa nga!

 

Teka, bakit ba sa TULI tayo napunta?

Eh sa Beauty and the Beast tayo nag-umpisa!

At tungkol ngayong Summer Vacation talaga

Ang gustong isulat at saan magpupunta!

 

O eh di sige, eh di sa TULI magpunta!

Pinakamalapit sa TULI ay ano ba?

Eh di ITULY este, ITALY! ITALIA!

Eh di ANDIAMO na! Benvenuti a Roma!

 

Unang binisita namin ay ang LANCIANO

Dun naganap kauna-unahang milagro

Nang Banal na Ostiya NAGKATAWANG-TAO!

‘Tapos nagtungo sa San Giovanni Rotondo!

 

Doon naman nakalagak si Padre Pio!

The next day sa Saint Michael Shrine at the GARGANO

Dito nama’y nagkaron isa pang milagro

At si San Miguel Arkanghel ang bida rito!

 

Matapos tatlong may milagrong konektado,

Milagro rin nang magtungong ALBEROBELLO,

Sa usapang TULI pagbukas artikulo,

Balik tayo dahil ang daming TRULLI rito!

 

Ngek! Nagulat ako! Trulili at totoo!

TRULLI ay mga kakaibang bahay dito!

Mukhang uncircumcised dahil ‘di bilog ulo!

Aba, World Heritage Site ito ng UNESCO!

 

‘Di ba’t kasabihan “When you’re there, do what they do.”?

Naturalmente tumira rin kami rito!

Lahat ay puting-puti at gawa sa bato!

I can now say, “DITO LANG AKO NAGKA-TRULLO!”

 

Hoy! Kapag plural, TRULLI! Pag singular, TRULLO!

At malamang parang GELATI at GELATO!

Dito ko rin natikman sa Alberobello —

PRIMO! The BEST GELATO di PISTACCHIO FRESCO!

 

Lalahatin na lahat ng ice cream sa mundo!

Talo pa nito ‘yung champion sa Gimignano!

Bukod sa ibang sarap pag dinilaan mo,

Punong-puno ng alikabok na pistachio!

 

Sa tuli, imbes bayabas, ito masarap

Isubo’t ‘di mapapansin hapdi at hirap!

Teka’t gumugulo yata ako kausap!

Wait, anyare? FROM TULI TO TRULLI AND BACK?! Ngak!

TRULLI

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with