9 tiklo sa drug trade
LUCENA CITY, Quezon , Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng siyam-katao makaraang masakote ng mga awtoridad sa inilatag na drug operation sa Rodriguez Subdivision, Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City, Quezon, kahapon ng madaling araw.?
Sa ulat na nakarating kay Quezon police director P/Senior Supt. Roderick Armamento, nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Alvin Sorezo, 40; Mark Mendoza, 31; Giovanni Peralta, 40; Joven Mindanao, 23; Alvin Orig, 30; Efren de Castro, 47; Mitzel Rafael, 38; Efren Abellera, 39; at si Bong Bong Llaneta, 26.?
Ayon kay P/Supt. Art Brual Jr., chief of police sa nasabing lungsod, unang nasakote ng mga tauhan ni P/Supt. Marlowe Torina si Sorezo sa inilatag na buy-bust operations sa kanilang bahay.?
Nang madakip si Sorezo ay inginuso naman nito ang walo pang drug suspek na nagpa-pot session sa loob ng kanyang bahay.?
Nasamsam sa mga suspek ang 5.87 gramo na shabu at mga drug paraphernalia.
Mariin namang itinanggi ng misis ni Sorezo na nagpa-pot session ang mga suspek at sinabing nagtotong its lang ang mga ito.
- Latest