^

Entertainment

‘What’s In A Name?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
âWhatâs In A Name?â
JOSE MARIA at the Apparition Chapel, Knock Shrine County Mayo, Ireland. Of the Nine Major Approved Marian Apparitions, the Knock event in 1879 was the only one where Our Lady appeared with Saint Joseph!

“What’s in a name?” tanong ni Shakespeare. Sa ‘kin, BAKIT?

Bakit ‘yun pangalan ni Romeo and Juliet?

Sa likod ba ng sinulat ay merong secret?

O naglaro lang sa pangalan ating poet?

 

Hindi n’yo ba napansin at may rhyme pareho?

Juliet sa CAPULET, Romeo sa MONTAGUE!

Para lang bang BOY BABOY at PEDRO PENDUKO!

Animo’y mga comics character o hero!

 

Subalit what is in a name nga ba talaga?

Sa buhay ng tao gaano kahalaga?

Ibig bang sabihin kung si Totoy Bato ba

Napalaban kay Totoy Papel ay talo na?!

 

Sa pagpapangalan ay dapat may feng shui ba?

May puntos kaya tunog o bilang ng letra?

At kung minsan sa kasaysayang nangyari na,

Katapusa’y uulit sa magkapareha!

 

Tulad kinahinatnan nina Ada’t Eba,

Malungkot ang ending ng kanilang istorya!

At nung Pangalawang Pandaigdigang Gera,

Ang ADAN ay si ADOLF at EBA si EVA!

 

Eva Braun at Adolf Hitler ng Alemanya,

Nag-suicide din tulad Romeo at Hulyeta!

Siguro la’y tsamba pero ako’y maiba,

Eh bakit si Bill Gates BILL-YONARYO? Punyeta!

 

Kung EMILIO kaya pinangalan sa kanya,

Malamang EH MILYONARO lang inabot n’ya!

Tukayong si Shakespeare na “William” din ang bruha!

Hindi BILL ginamit… nickname walang panggasta!

 

Meron pang isang “William” at Bill din ang alyas,

Lover Boy Leader ng isang bansang malakas!

Alkansya ni Gates mundo! Daming MONEY and CASH!

Ang pinantasya nung isa kay MONICA’S ASS!

 

Nung unang panahong wala pang apelyido,

Dinudugtong lang kung taga-saan ang tao!

O kaya ay pagkakakilanlan sa inyo —

Parang Boy Kalbo at Cleopatra ng Ehipto!

 

Sa panahon ngayon ubra nang magkagulo

Dahil sa imbento’t gawa-gawa ng tao!

Dahil pwede nang si Cleopatra ang “kalbo”

At nagpa-Brazilian sa Rio de Janeiro!

 

Op kors kung ang pangalan mo lang ay iisa,

‘Di naman ibig sabihin ay pobre ka na!

Nariyan si Adele, si Prince at si Madonna!

Meron pang sikat at mayaman pero GAGA!

 

Isa lang kumikinang with his full name or less!

At ‘yan ay ang nag-iisang The King! Si Elvis!

Kung si Mickey Mouse “MOUSE” lang meron bang interes?

O kung si Batman merong apelyidong REYES?!

 

Upang lalong mapalapit sa kalikasan,

At nang mga anak lumaking matatapang,

‘Di ba’t mga Indian ginagawang pangalan —

Sitting Bull, White Cloud, Flying Hawk at Scarlet Woman!

 

Pinakamalapit na d’yan mga pangalan

Ng Pinoy na wika natin pinagbuhatan —

Amihan, Magdangal, Liwayway at Kawayan!

‘Wag lang lalabis at magbinyag ng TULISAN!

 

Kanya-kanyang diskarte when naming your babies,

Think Bill Gates if you want PESOSESOSESOSES!

Kaya imbes Dolores you name her DOLARES!

Wag lang swapang gawing POUNDS… baka maging OBESE!

 

‘Yun na kasi pangalan mo once it is given,

Unless mag-artista’t magkaron ng pseudonym!

Kumbaga ‘yun na ‘yun, live with it until the end!

‘Di n’yo ba napansin pag NAME nirambol… AMEN!

 

Kung tutuusin tungkol sariling names natin,

Wala tayong alam dahil bigay lang sa’tin!

Happy ako sa JOSE MARIA sa akin

S’yempre naman dahil SILA na The Best LOVE TEAM!

NAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with