‘Green... And Bear It’
Nung Kalyeserye naging KALYES-IRE ang scene
Dahil manganganak na ang misis ni Alden,
Nataranta ang lahat pati ako na rin,
Sa sinabi ni Dok naiba aking hearing!
Dinig ko’y, “MAGSI-SEX ang kakailanganin!”
Ngek! Wala pa ngang baby meron nang gagawin?!
MAG-C-SEC… TION pala ang ibig n’yang sabihin!
Caesarian Section o kailangang biyakin!
Op kors patawa ko lang ya’t ‘wag n’yong seryohin,
May galing lang akong sitwasyon ay lokohin!
Pero salitang BUNTIS minsang pagkagising,
Malakas hinala ko kung saan nanggaling!
BUNTIS ay nanggaling sa BOUNTIES mga darling
Na gantimpala o reward ibig sabihin!
Kaya isang pagpapala o biyaya rin,
Nabingi na naman mga ninuno natin!
Mali ba ang dinig sa mga English-speaking,
Tulad nung pahabang sahog sa isang piging,
Sabi nung foreigner, “I love those LONG GARNISHING!”
Aba’t LONGGANISA dinig ng lolo natin!
And speaking of English-speaking, pati British din
May “something” din English like nung minsang mag-shopping,
Pagpasok sa tindahan at aking hanapin
Men’s Department, may sign na tinuro sa akin…
MEN GO DOWN… Ngek! Alam n’yo naman aking thinking!
Sinadya ba ‘to o ano? But I was smiling,
Pwede naman kasing “floor” or “level” gamitin,
Pero aprub kasi agad mong mapapansin!
Kanya-kanyang paraan mga human beings,
Maaaring kayo rin naman ang salarin
Na naglalagay ng “marumi” at “madilim”!
‘Yung Asian Café ba sa Narita have you seen?
Sino ba nagsabi kasi na pag naughty… GREEN?
Sino bang color-blind yata ‘yan na magaling?
Alam ba n’yang kalikasan ‘yan ang kulay din?
NATURAL ‘yan sa tao ang ibig sabihin!
Waring walang kabuhay-buhay pag walang GREEN!
It’s the color of LIFE! It always gets you going!
Pati nga sa traffic lights: Red-Stop, Yellow-Warning!
You mean if you say NO to green you are very clean?
Pag clean masyado sa buhay… DRY! Ngek! Dry Cleaning?
Sometimes you have to make halakhak and halinghing!
Kailangan minsan tumikim at maglasing!
Look at Madonna, about Michael may inamin!
Na minsan daw sila ni Jackson ay nagsiping!
Ngek! Nagtikiman ‘tapos n’ya itong lasingin!
Bumigay si Michael nang wine ay painumin!
A case of — UNA PAG-INOM BAGO PAGTIKIM!
Pag-tease sa mga “clean” akin nang sasagarin —
INVERTED NIPPLE nga ay inyong Tagalugin!
I am sure “not funny” kanilang sasabihin,
Eh di UTONG NA LOOB! Oks ba mga darling?
- Latest
- Trending