^

PSN Showbiz

JM nasa rehab na naman?!

FUNFARE - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
JM nasa rehab na naman?!

Nakalulungkot na tulad ni Jiro Manio ay ibinalik si JM de Guzman sa rehab. Nakalabas na sana ito nu’ng una at nakabalik sa trabaho, pero nakitang hindi pa siya ganap na malaya sa kanyang addiction.

Hopefully sa pagkakataong ito ay tuluyan na siyang makalaya sa pagkagumon niya sa ipinagbabawal na gamot.

Kahit may lovelife, Iñigo balik-eskuwelahan

Dapat tularan si Iñigo Pascual ng mga kaedad niyang artista na binabalikan ang pag-aaral. But not every young actor have a father who can support their education. Ang dami nila na gusto ring mag-aral, pero walang choice dahil bumubuhay sila ng pamilya. O kaya naman ay mas nadadalian silang umarte kesa mag-aral.

Snooky in love

Balik-teleserye rin si Snooky Serna. Kasama ito sa serye na pagtatambalan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching, ang Hahamakin Ang Lahat. Hindi lang naman si Snooky ang come backing sa serye, ganun din si Ariel Rivera na matapos mapanood sa maraming serye ng Kapamilya ay nasa Kapusong muli.

Hindi mo aakalain na mayroon nang mga anak na propesyonal si Snooky. Nagtatrabaho na ang mga ito makatapos ng kanilang pag-aaral. Kaya malaya nang maasikaso ni Snooky ang kanyang lovelife.

Masaya na rin naman si Ricardo Cepeda (ex-husband ni Snooky) kay Marina Benipayo na kasama ni Snooky sa kanyang bagong serye.

Sue Ramirez parang nagkaroon ng talon ng tubig sa mata

After 25 years, ayaw pa ring ipagkaloob ng Maalaala Mo Kaya ang kanyang pangunguna sa mga kaparehong programa. Pareho namang true stories din ang binabanatan ng mga kalaban nitong prog­rama at sa magagaling ding artista ibinibigay ang mga pangunahing roles, pero kitang-kita mo pa rin ang malaking kaibahan ng MMK.

Kahit mga baguhang artista ay napipilitang ma­ging magaling kapag sa MMK sumasabak. Siguro takot sila na kapag hindi nila ginalingan ay mapapansin sila. Si Sue Ramirez ay parang bumalik sa kanyang pagkabata sa episode nu’ng Sabado. Nag-graduate na ito sa mga role na dati niyang ginagampanan at kumakanta na rin ito ngayon, pero bilang kapatid ng isang may cerebral palsy, nagmistulang talon ng luha ang kanyang mga mata.

Nadia kinarir na ang pagtulong

Konting kibot pa lang ay lagi nang nangunguna si Nadia Montenegro sa pagtawag ng ayuda kapag may nagkakasakit, namamatay, o problemadong artista kaya naisip niyang magtayo ng isang foundation kasama ang mga kaibigang sina Vivian Velez at Arlene Muhlach na may layong tumulong sa kanilang kapwa artista sa oras ng pangangailangan. But in fairness to Nadia wala pa man silang foundation ay matulungin na siya sa mga kapwa artista. Minarapat lamang nilang magkakaibigan to magsama-sama para na rin mas mabilis ang response sa panahon ng emergency. Mabilis din silang makakalikom ng pondo kapag sama-sama sila.

Sa Nobyembre 12 at 13 at Disyembre 3 at 4 ay magsasagawa ang Damay Kamay ng isang Christmas bazaar sa BF Homes Parañaque Plaza na may layunin ding makalikom ng pandagdag sa ipinantutulong nila sa mga taga-showbiz.

vuukle comment

JIRO MANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with