^

Punto Mo

‘Bumitiw si Kuya’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

‘THE moment the President came back from China from a successful state visit, I resigned as special envoy to China because the officials have taken over and I’ve done my job to break the ice and to help restore the ties of goodwill and friendship,’ sabi ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos o FVR.

Si FVR din ang humikayat noon kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-Presidente. In-acknowledge naman ito si Pres. Duterte nung inaugural speech niya sa Malacañang.

Kasagsagan ng isyu ng agawan ng teritoryo at iniluklok bilang special envoy ng gobyerno sa China si FVR. Pinapaniwalaang malaki ang maiitulong ni FVR para maging maayos ang relasyon ng dalawang bansa.

Ngayong tapos na ang kanyang trabaho ay nagbibitiw na siya sa kanyang posisyon. Bago pa man ito ay binatikos na ng dating Pangulo ang kasalukuyang Pangulo ng bansa.

Dapat daw ‘interdependent foreign policy’ ang pairalin at hindi ‘independent foreign policy’.

Susundin naman daw ng Pangulo ang mga payo ni FVR tungkol sa isyu ng extra-judicial killings.

Kahit na nagbitiw na sa kanyang pwesto si FVR ang Pangulong Duterte pa rin ang huling magdedesisyon kung tatanggapin niya pa ito.

Naging maayos-ayos man ang relasyon ng China at Pilipinas kinakailangan pa rin ng gabay ni FVR para sa mga susunod na isyung kakaharapin ng dalawang bansa.

Bagama’t napayagan nang mangisda ang mga Pilipino sa Panatag Shoal hindi naman natin nasisiguro kung hanggang kailan ito hahayaan ng China dahil inaangkin pa rin nila ang nasabing lugar kahit na sinabing pag-aari ito ng Pilipinas.

Malaking bagay ang mga payo ng dating Presidente sa kasalukuyang nakaupo sa posisyon dahil napagdaanan na niya ang mga kinakaharap na problema.

Ayon pa kay FVR dapat daw siyang ituring bilang nakatatandang kapatid ng lahat at maging ni Pangulong Duterte na magbibigay ng kanyang payo paminsan-minsan.

Magandang bagay naman ito dahil magagabayan ni FVR ang Pangulo sa magiging mgadesisyon nito.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

TONY CALVENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with