^

PSN Showbiz

Mga nagwagi sa 20th Hair Olympics tampok sa GRR

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naramdaman ang international delegates sa kakatapos na 20th Hair Olympics ng Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association o APHCA na ginanap sa SMX Mall of Asia ng kakaibang hospitality ng mga Pinoy.

Sa welcome party ay binigyan ng salu-salo ang mga opisyal at liderato ng member countries sa temang Pinoy na Pinoy.

Ang araw ay sinimulan ng Parade of Nations ng mga delegate kasama ang mga piling panauhin na sina Senador Bam Aquino, First Lady ng Pasay City Edna Calixto, dating Unang Ginang Ming Ramos, businessman Hans Sy at Sri Lankan Ambassador Aruni Ranaraja.

Iba’t ibang klaseng kategorya ang pinaglabanan ng mga magagaling na kalahok mula sa 15 member countries. Nagkaroon din ng napakagandang international show ang bansang Korea, China, Thailand, Japan at Pilipinas tampok ang kanilang native dances.

Nagkagulo ang lahat sa paglabas ng inaabangan na si Alden Richards na nagpaunlak ng awitin para sa mga bisita. Ang mga nagwagi sa bawat kategorya ay nakatanggap ng cash, medalya, sash at tropeyo. Ang over-all championship naman ay nasungkit ng Macau.

Tutok na sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) kasama ang host at APHCA president na si Ricky Reyes ngayong Sabado (November 5) 9-10am sa GMA News TV.

vuukle comment

HAIR OLYMPICS NG ASIA PACIFIC HAIRDRESSERS & COSMETOLOGISTS ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with