‘Pa-Kyu En Ey’

KYU: Kung sa Leaning Tower of Pisa ba ako’y nakisama sa porma, masama ba? ‘When in Rome, do what the Romans do,’ hindi ba?, KYU: Kung sa likod ng Statue of Liberty ba ako nagpakuha at tumalikod din, ako ba’y tanga?

Ang manunulat ay hindi nakatitiyak

Na kanya nang nasulat ang kanyang sinulat!

Marahil kapag binasa lang muli lahat,

Nakasisiguro la’t kapag nagsiyasat!

 

Malamang Ang Poet N’yo sumabit na rito!

Kaya ngayon para lamang makasiguro

At habang inaalam muna tungkol dito,

Magtanong-tanong muna ng kung ano-ano!

 

Tawagin na lang natin PA-KYU EN EY ko ba!

Waring BEAUCON ang dating ngunit  ang kaiba —

Gawa ko tanong pero may mga sagot s’ya

Na suggestions ko rin para sa mambabasa!

 

It’s up to you naman kung may ibang ideya,

Kung ayaw n’yo sa mungkahi ko eh di ‘wag ka!

It’s a free country wika nga at kanya-kanya,

MagPA-KYU ka rin kung like kahit EY wala na!

 

Malaya tayong magtanong at s’yempre rin naman,

Malaya rin tayong magbigay kasagutan!

Like nung tinatawag n’yong Freedom of Expression,

Kung gustong magkape? Freedom of ESPRESSO ‘yon!

 

O ano, babanatan ko na ‘to talaga!

Pa-KYU EN EY na ‘ko kahit pa may kumontra!

Penis or not penis katulad sa eskwela,

I mean, boys pati mga girls, pass your papers na!

 

KYU EN EY nati’y tungkol sa napapanahon

Tulad ng sa EDSA na traffic situation,

Totoo bang NAKAKABATA raw pag nandon?

Kasi you’re like a baby … GUMAGAPANG motion!

 

Kung manalo ba si Donald Trump eh ano na?

De matutuwa si Ol’ Blue Eyes Frank Sinatra

At sisikat sa White House ang isa n’yang kanta —

O eh di The FIRST LADY IS A TRUMP ano pa!

 

“I’m enjoying last days of my rudeness,” says Digong

Nung bigla s’yang magkaroon ng Midnight Presscon,

Prim and proper na kasi pag nasa position,

KYU: ‘Di kaya RODY-NESS ma-miss din ng nation?

 

Totoo ba na halos kalahating milyon

Ang magiging available na mga condom

Sa Brazil sa coming Olympic competition?

Aba eh SUPOTS FEST pala ito kung ganon!

 

At dahil mga atleta eh di sabay na —

Supporters at supot ang isusuot nila!

Marami kasing carriers din sa kanila,

Flag carriers ang ibig kong sabihin baga!

 

Pag mga tanong na ito’y sinubukan na

Sagutin ninyo na merong paliwanag pa,

At nakakaaliw para lalong maganda,

Ibig sabihin n’yan … ISANG MANUNULAT KA!

 

Isang KYU na lang at ang mag-EY na la’y kayo

Nang masabi rin kung ako’y bastos na tao!

Nangyari ito sa Eat Bulaga eight days ago

Nang sa Malolos mag-Sugod Bahay aming show!

 

Isang lalaking may sideline na kakaiba —

Mga briefs at panty kanyang itinitinda!

At dahil sa sipag ay nakapagpundar s’ya

Ng isang tricycle na ngayo’y kanyang-kanya!

 

Like one OFW sa Saudi Arabia,

Ay may nai-suggest Ang Poet N’yo sa kanya,

Nang maalala lagi pinaghirapan n’ya,

Sa tricycle “KATAS NG PANTY” ang ipinta!

 

Ano ngayon ang sentensya ninyo at husga?

Ako po ba ay may kabastusan talaga?

O, sa ‘di sinasadya nagiging biktima?

O, sabit tayong lahat dahil tumatawa?

 

Apat na KYU ‘yan at ‘yan ay nasa sa inyo

Kung gusto ninyong lagyan ng EY, it’s up to you!

Ayos din ‘yung kinu-KYU kayo nang ganito,

Bakit hindi ninyo subukan … PA-KYU KAYO!

Show comments