Dear God, alam Mong ‘di ko nakakalimutan
Sa araw-araw na Ikaw’y pasalamatan,
Ngunit ngayon kahit may pagbibiro minsan,
Nais kong nitong Bagong Taon pagtuunan.
Thank you muli sa fireworks na naggagandahan
Sa maraming taon mula nung paslit pa lang,
Mula sa Pinas na bayan kong sinilangan
Hanggang sa iba’t-ibang bansang napuntahan!
Sa ibang lupaing inabot ng putukan —
Sa London, Sydney, Hong Kong at maging Paris man,
Sa Vegas na may jackpot pa alam Mo naman!
At sa Times Square sa New York kahit na … BOLA lang!
Subalit lahat ‘yan ay gawa lang ng tao,
PINAKAMAGANDA nakita taong ito!
Walang tunog kundi kabog lang ng puso ko!
Ito’y ang AURORA BOREALIS na gawa Mo!
Kung hindi ba naman nang ito’y malaman ko,
Napabalikwas at tulog na sa ‘ming igloo!
Naka-T-shirt lang at sa todo below zero,
Lumabas akong nakayapak lang sa yelo!
Hinding-hindi na makakalimutan ito!
Sa Lapland, Finland ika-lima ng Enero,
Natunghayan namin ang isang Northern Lights Show!
BULAGA at BOREALIS na ang aking TOP TWO!
Higit na maganda sa pinaka-maganda,
Nag-TAKE TWO pa si Aurora nang bonggang-bongga!
Sumunod na araw muli s’yang nagpakita!
Dalawang oras yata’t umikot-ikot pa!
Mantakin n’yo, TWO IN A ROW ang Northern Lights Show!
Pag mas malamig daw nagpapakita ito,
Nung two nights na ‘yon almost FORTY BELOW ZERO!
Ngek! Reindeers and horses sumusuko nga dito!
Paputok at putukan din lang paksa natin,
Kitang-kita naman at aking aaminin,
Sa buong byahe isang jeans lang I was wearing!
But sa loob dalawang warmers magkasapin!
Every other day lang ligo ng katawan!
Pero sorpresa hindi ako pinutukan!
May pampainit na pain relief patches pa ‘yan!
Sa balikat, likod at sa buong balakang!
‘Yan ang paliwanag at kaya pala naman
Ang isda at karne basta sa palamigan,
Mananatiling sariwa at ‘di masangsang!
Kaya kung tamad maligo North Pole puntahan!
Ngunit kung talagang inyong pag-iisipan
Kung uulitin pa ‘to ay hindi ko alam!
Tutal Northern Light Shows na ay biniyayaan,
Well, habang nagde-decide … HAWAII muna lang!
In other words, ALOHA AURORA na muna!
Pero New Year pa more next week para sa China!
Tuloy ang putukan at fireworks at lalo na,
Kinasal kahapon — Vic Sotto, Pauleen Luna!