‘Of Slips & Spurs’

After Christmas, slipped out of the country na naman,

Ang “SLIP” sa Bulaga iba ang kahulugan,

SLIP means Sumimple’t Lumayas Iwas Paalam!

Nag-New Year sa London … nag-New Year din sa Iceland!

 

Hangga’t maaari sini-secret ang viaje,

Ina-apply ang isang paniwala kasi

’Yun bang, “What they do not know won’t hurt them.” He,he,he

Well, after 36 years eh spoiled na rin kami!

 

Sa dalawang lugar ang New Year celebration!

Madalas na ring ginagawa noon pa man,

Basta lipad lang tanghali ng January One,

Kung bakit? Eh trip kasi ‘yan kaya TRIP KO LANG!

 

Actually TATLO nga nagawa ko na noon

Media Noche sa Pinas, Macau sa afternoon,

Baka swertehin sa slots dahil Bagong Taon!

Win or lose, evening ferry and dinner sa Hong Kong!

 

Sa marami at sari-saring pagdadayuhan

Lalago ang kayamanan sa karunungan,

At ang saysay ng pakikipagsapalaran

Ay mahahasa’t NEW EXCITEMENT pagkukunan!

 

Kung ’di mo gagawin o kaya’y susubukan,

Panlasa’t pakiramdam ’di mo malalaman,

Nun nga sa Dead Sea nang maligo ay lumutang!

Sa Iceland’s Blue Lagoon nag-BLUETATHIONE naman!

 

Minsan sa Spain ay nag-paella ng kuneho!

Sa Sydney, Australia tumikim ng kangaroo!

Sa Montreux, Switzerland kumagat ng kabayo!

At ngayon sa Helsinki REINDEER tinira ko!

 

Isa lang naman dahilan nung nag-alangan

Baka lang wika ko pag tao’y nasarapan

Sa pagkain ng reindeer … ’sang araw, ’wag naman,

Masalubong si Santa… NAGLALAKAD NA LANG!

 

And speaking of lakad may ’di malilimutan,

Ang paglakad n’yo sa snow pakaiingatan,

At ’wag basta magtawa sa nagdudulasan,

Na-karma ako paglabas ko sa tindahan!

 

Masaya pa akong may dalang mga supot,

Nang biglang madulas! Para akong tangengot!

At sa pagbagsak ko una pa ang kuyukot!

Siguradong putol kung meron akong buntot!

 

Ang buong two hundred pounds ko’y nag-flying carpet!

Parang palakang tumihaya sa ere! Ngek!

Aray ko! Buong balakang ko ri’y ang sakettt!

At sa nangyari isa lang ang nasabi … SYET!

 

At tulad ng dalawang mukha at maskara,

Matapos ang luknot ay ang nakakatawa

After my fall ay nagpaalala talaga

Pagkat sa GULLFOSS WATERFALLS sunod nagpunta!

 

Humampas pa nama’y matagal nang problema,

My spine is not fine dahil may iniinda,

Wala namang slip disc, meron lang SPURS kumbaga,

Pero dahil nag-slip sa ice… baka meron na!

 

Ngek! Naku po San Antonio ’wag naman sana!

Bakit San Antonio? Eh SPURS nga ang problema!

Spurs ay mga matatalas na salubsob ba

Na nakausli sa buto! Masakit ’yun ha!

 

Hayyy! Ako pa naman madalas may babala

Always make ingat madulas if you are old na!

Sa hagdan, sa toilet… may na-forget pa pala

INGS din sa snow pag may time… ’wag tatanga-tanga!

 

Ang “SPURS-OF-THE-MOMENT” ko’y mga tatlo yata,

TISTIS o TIIS? Hatol ko’y dapat ibaba,

Ang hatol ko’y TIIS pagkat nakaya ko nga

Mula pagkabata hanggang ngayong pagtanda!

Show comments