Nung araw kapag MOVE o TURN mo nang tumira
At pine-pressure nang maglabas ng baraha,
‘Yun bang nag-iisip ka pa at… TEKA MUNA!
At sa paghingi ng panahon madalas na…
TIME! Sandali lang! Wait! — Ang nabubulalas mo!
Time first! Time lang at nag-iisip pa ang tao!
Time muna! Bakit may mga lakad ba kayo?
Relaks, hintay lang at konti namang respeto!
“My only enemy is time.” — sabi ni Chaplin,
At ubrang kakampi rin ibig n’yang sabihin,
Kung mahahawakan la’t maaangkin natin,
Hanggang Patek Philippe lang binigay sa akin!
Hanggang d’yan lang ang TIME pwede kong mahawakan,
Maisuot, maisanla kung kailangan!
Ngek! ‘Di ba tanggap naman ito sa sanglaan?
Eh kasi hindi ba TIME IS GOLD? Ngek na naman!
... and always have time to eat together! That’s Ang Poet N’yo with Jako, Eileen, Jocas and Jio in our New Year’s Eve dinner at the Berners Tavern at the London EDITION
Ngunit sa seryo Ang Poet N’yo sa buhay ko,
Panuntunan ang gintong kasabihang ito —
TIME IS GOLD! Kaya mula nung nagkatrabaho,
Laging nasa oras, walang sinayang dito!
Tatapusin mo rin lamang ang katwiran ko,
Eh di wakasan na ngayon, ‘wag na tomorrow!
May good time ka pa sa matitipid na t’yempo!
Mapapagod? Mas masarap pa nga tulog mo!
“Always be on time!” ‘Yan ang nilagay sa ulo,
Hanggang sa ngayon sa dugo ko’y tumatakbo!
Una kong tinuturo sa mga anak ko,
Kung may time sila to listen I really don’t know!
Hindi lang sa gawain at pagsisilbi mo
Dapat bigyan ng halaga minuto’t segundo,
Maging sa paglalakbay, “Time is gold!” sigaw ko!
Walang hihinto hanggat ‘di masakit kuko!
Ngayon ngang lumalagutok na mga buto,
Hirap nang makayuko pati dumiretso!
Kumikirot na laman at buto nang husto!
Dinadaan sa tapal at tinitiis ko!
Nung minsan misis ko napansin Ang Poet N’yo,
Jacket bitbit lang at naka-T-shirt lang ako,
‘Di ba raw ako nilalamig? Ang sagot ko,
“Talo ginaw pag mas masakit katawan mo!”
Hangga’t may bukas pa na establisimyento —
Tindahan, museo at kahit na pa ano,
Mula pagbukas hanggang sa magsisarado,
Sagarin, pasuki’t baka minsan lang ito!
Sa pamimili nama’y iba aking istilo,
Dahil alam ko na bibilhi’t aking gusto,
Ang tatak at sukat at mga paborito,
Tapos agad! Power shopping ang tawag dito!
At kung tapos na ko’t kay misis napabuntot,
Pinagtritripan ko taong katakot-takot,
I know the rich dahil suot at dalang supot,
Pero minsan ‘di ka rin sure baka mandurukot!
Kung ang pag-iibang bansa sa akala n’yo
Ay pagpapahinga at pagre-relax kuno,
Sa akin ay iba, sayang oras sabi ko,
Puro tulog ka na pag wala na sa mundo!