^

Entertainment

‘Naughty Frutti’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Una sa lahat ay Manigong Bagong Taon!

Happy New Year to all at sana’y magkaroon

Ng maraming bunga mga pinaghirapan

Ninyong kabutihang tinanim at binaon!

 

At bunga ng bunga rin kapag Bagong Taon

Ang bumibida sa mga hapag-kainan,

Bigyan buhay natin sila’t katuwaan lang,

NAUGHTY FRUTTI, kaya mga bunga’y gabayan!

 

Ano isang madalas PAKWAN daw? Ang sagot:

Karaniwan s’ya ay may kakaibang likot!

Kung minsan tuloy sa Ingles ang Pakwan na fruit,

Masakit mang sabihin, ito ay FRUITITUTE!

 

Kung pagsasalitain t’yak sasabihin n’ya,

“Prutas ng ina n’yo!” Inggit lang daw sa kanya!

Dahil daw bukod sa s’yay mapulang-mapula,

Makatas at masabaw tunay na talaga!

 

At umaayon naman sa kanya ang PINYA

Na nakatutok lahat ang mata sa kanya,

Diring-diri MANSANAS naman sa dalawa,

“Tikman mo P … n’ya! Pakwan ka!” sigaw pa n’ya!

 

Sagot ni Pinya, “Pwede ba ‘wag kang mangmata

Sapagkat sa akin ay hindi ka uubra!

‘Apple of the eye’ lang naman ang iyong kaya,

Eh ako, ‘Pineapple of the EYES!’ O, laban ka?!”

 

Nang sumingit si SAGING at biglang umawat,

Habang hinuhubad na n’ya ang kanyang balat,

Mga mata ni Pinya ay muling nandilat,

“Ang puti mo pala Saging!” ang naibanat!

 

“Bastos! Manyak!” ang nasambit ni Miss Banana,

Sabay lundag sa kawali ng arnibal na!

Nang biglang umaray nang ilang sandali pa,

Ang mas bastos na barbecue stick tinuhog s’ya!

 

Mga nangyayari wala lang kay PAPAYA,

Nakatanghod lang at tila ba walang gana,

Wari bang nanlalambot at kulang sa sigla,

Napansin ni Pakwan at gumulong sa kanya!

 

Nagbiyak-usapan si Pakwan at bumuka,

Dumikit at nagwika, “Papa … ya… kap ka ba?”

Ngumiti la’t sumagot itong si Papaya,

Sa “init” nga raw s’yay “pangontra” … eh s’ya pa ba?!

 

Kaya raw tao pag kumain ng Papaya

At “encuentro en cuarto” naisip ng isa,

Malamang walang mangyari sa mag-asawa,

Ang kumain du’y magsasabing MAMAYA NA!

 

Kaya ang Pakwan naghanap na lang ng iba

At napagbalingan ang Mansanas na pula,

“Pak, I APPLE-logise, wala kang mapapala,

At ‘pampatigas’ lang ako ng alam mo na!”

 

Itong si Boy BAYABAS ang lakas ng tawa,

Huwag daw s’yang tingnan at panglanggas lamang s’ya,

Hindi s’ya tuli-sang mahilig sa romansa,

Sa mga ibon lang serbisyo n’ya talaga!

 

Sa puno pa lang tinutuka-tuka na s’ya,

Malalaking ibon hanggang pipit at maya,

Pati sa ‘di makalipad nagsisilbi s’ya,

Pinaghihilom pa n’ya ang tuka ng iba!

 

Ang naawa kay Pakwan nama’y si GRANADA,

Masama rin ang papel na may PUTOK daw s’ya!

Ang iba raw kasi’y masyadong mapanghusga,

“Wala akong putok! Si DURIAN tingnan nila!”

 

Katulad ng tao ang mga prutas man,

May mga FRUIT-BLEMA at angking “kasiraan,”

May taglay rin silang kaibang pakiramdam,

Kung totoo sinabi ko … ‘di natin alam!

 

Kung AKO ay prutas? Hmmm … ako’y isang MANGGA!

Kahit ano’ng panahon ako ay uubra!

Pwedeng panghimagas, inumin, ensalada,

At higit sa lahat … AKO AY MAY ASIM PA!

 

Mabuti prutas kahit ano’ng sabihin pa,

Kahit d’yan nagkasala si Adan at Eba,

Kainin araw-araw ‘wag lamang sosobra,

Pag lumabis sa fruits … t’yak FUFURURUITS ka!

 

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

BRVBAR

HAPPY NEW YEAR

KAHIT

KAYA

LANG

MGA

NBSP

PAKWAN

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with