‘God Gave Me Hu... Mor!’
Babala po sa mga kinauukulan —
Ang KALYESERYE ayon sa nakakaalam
Ay isang PERFECT STORM kaya’t ‘wag lalabanan!
At ‘yan ang ating latest WE DARE REPORT Bayan!
Wala itong yabang at paalala lamang
Sa mga dito ay bumabale-wala lang,
Mahirap baguhin takbo ng kalikasan,
Mabuti pa ang simula’y ating balikan …
Nang matapos ni God ang una N’yang nilalang,
Wala S’yang ibang nasambit kundi ang, “Ahhh … DONE!”
Opo, in English dahil GOD ay Ingles naman!
Sa nasabi ‘yun na rin ang unang pangalan!
Ahhh … DONE. Hmmm, maganda naman o eh di ADAN!
At nung mapansin ni God malungkot si First Man,
Gumawa agad ng isa na iba naman,
At dahil iba eh di EBA pinangalan!
Ngunit bakit may ADAN at meron ding ADAM?
Kasi nung nagkaron sila ng kasalanan,
God felt down at masyado N’ya itong dinamdam
At nasabi lang N’ya ay, “Ahhh … DAMN!” Ayun, ADAM!
O kalma lang! Wag magre-react ‘yung iba d’yan
Na para bang ako pa ang may kasalanan!
Kaya nga may “GOD DAMN IT!” Ibig sabihin n’yan —
DAMIT! Kaya mula nun sila’y dinamitan!
Dahil nagkaron na sila ng kahihiyan,
Excuse me ‘no, hindi blasphemy ang tawag d’yan!
Baka BLESS PA ME dahil pinag-uusapan
Ang tungkol kay God at kanyang kapangyarihan!
At eto pa para sa inyong kaalaman —
Dalawa ubrang pag-spell ng kanyang pangalan —
G-O-D at G-A-D parehong tama ‘yan,
A and O for Alpha and Omega, understand?
Kaya kung isusulat ang kanyang pangalan,
In between G and D letter A pa’y bilugan,
Pagtawag sa Kanya kanya-kanyang paraan,
Ang mahalaga S’yay nasa puso’t isipan!
Ako’y naniniwala ang nais N’ya lamang,
Ituring S’yang Man’s Best Friend, tanging kaibigan,
Bakit sa palagay n’yo Kanyang pinayagan
Sa spelling na GOD ay DOG ang kabaliktaran?!
Tingin n’yo ba sa sinulat kong ‘to I’ll be damned?
Nope! May sense of humor S’ya baka ‘di n’yo alam!
Biniro nga tayo nung unahin si Adan,
‘Di ba dapat Ladies First kung hindi ba naman!
Sa totoo lang nanaginip ako minsan,
Nagdyo-joke ako gamit ang Kanyang pangalan,
Ang nangyari nga ako ay pinarusahan
Sa pinagsusulat kong mga kakwanan!
Dahil sulat ako’y pinasulat na rin lang
Ng “GOD MAS MAHAL KITA” but English translation,
So I wrote, “GOD I LOVE YOU MORE.” Then He said, “That’s wrong!”
Binura N’ya YOU MORE and He wrote HUMOR! Ganon!
- Latest
- Trending