‘Henjo Not Henyo’

At dahil nung October 14 ay birthday ko,

Bayaan n’yo namang magtalumpati ako

At haplusin bansag sa aking marespeto

Ng mga Dabarkads — Ako raw’y Pinoy Henyo! 

 

Salamuchas Gracias kung ganon and I Love You

Kahit namumula sa hiya Ang Poet N’yo, 

Ngunit kung dahilan EAT, BULAGA! naisip ko, 

Abay tinatanggap kong maging isang Henyo! 

 

Op kors walang hiya-hiyang taas pa noo! 

Kaya itinaas dahil dun galing Ito! 

At pagka-Henyo ko pa nga ay sinimento

Dahil KALYESERYE nakaisip di’y ako! 

 

Ha, ha, ha! He, he, he! Hi, hi, hi! At Ho, ho, ho! 

Sandali lang parang hindi tawa ng Henyo! 

Pasensya na’t buti nga’y hindi Hu, hu, hu! 

Dahil magiging SISA... asawa ni SISO! 

 

At ‘yan na nga ba ang ikinatatakot ko —

Manipis na linya lang daw pagitan nito —

Ang pagiging Henyo at may sira sa ulo! 

Teka, saan na ako Crispin at Basilio?! 

Subalit usapang seryo at sa totoo,

Salitang bansag ‘di pumapasok sa ulo, 

Isang katunog mahalaga sa buhay ko —

Hindi ang salitang Henyo kung hindi HENJO! 

 

At malamang sa ikakabit ko na kwento,

Iisipin ng iba Henyo nagsi-SISO!

Kung tatanggapin naman ay nasa sa inyo, 

Ang mga may kasong tulad ko IBAHEN N’YO! 

 

Ang HEN dito ay manok o tandang kung gusto, 

Ngunit napakahalaga ng COCK na Ito, 

At nais kong isiping s’ya ay nakita ko —

Wala nang iba kundi MANOK NI SAN PEDRO! 

 

Ops relaks at baka mapatilaok kayo! 

Naikwento na sa isa kong artikulo,

Eh sa ‘yon talaga ang paniniwala ko! 

Kanya-kanya ‘yan! ‘Wag kayong masyadong ano! 

 

At malamang matumba’t mabuwang pa kayo

(D’yan galing salitang MATIMBUWANG, F.Y.U.) 

Kung saan naman nanggaling ang natirang “JO,”

What, F.Y.U. wrong? For Your Understanding ‘yon ‘no! 

 

Sapagkat birthday ko rin, 29 years ago, 

Sa Mount Carmel sa Quezon City nangyari ‘to, 

Madaling araw nun, simbahan pa’y sarado,

I believe si Saint Joseph ang nakaharap ko! 

 

Bahala kayo sa magiging reaksyon n’yo, 

Basta sa simbahan nun S’YA lamang ang tao, 

Sa madilim na baitang nakahiga Ito,

Nakupo, Ito ay mahaba-habang kwento! 

 

Mula noon hanggang sa aking maengkwentro

Sa may Herusalem ang MANOK ni San Pedro, 

Ito na mga pangyayaring niyakap ko

Na maging kahulugan ng salitang HENYO! 

 

At nung Myerkules nang mag-birthday Ang Poet N’yo, 

Sa inyo pong palagay ay nasaan ako? 

Ako’y nasa Macau na dating teritoryo 

Ng mga Portuges at MANOK ang simbulo! 

 

Naturalmente nagsimba para kumpleto, 

Nagmisa sa simbahan ng Mount Carmel dito, 

Sa harap ni Saint Joseph ay naroon ako, 

Sa puso ko sabi N’ya, “HAPPY BIRTHDAY TO YOU!”

Show comments