^

Entertainment

‘Wow, FantasTweet Baby!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Ano mang gawin kong pigil sa pagsusulat

Na tungkol Kalyeserye ay hindi maawat

Ang Poet N’yo sanhi ng galak pagkagulat

Sa paglingap at papuri na tinatanggap!

 

Kumbaga musika puro lang sharp walang flat,

Laging lagpas sa inaasahan ang lahat

(Note: Parehong symbols nga pala hashtag at sharp),

Ngunit waring araw sya’t tuloy lang pagsikat!

 

Mga tatlong Sabado na nakakalipas

Nang ang First Date ng AlDub ang ipinalabas,

At nang matapos na ang veinticuatro horas,

Wow fantastweet baby! TWELVE MILLION pa’y lumagpas!

 

At nung First Time sa ligaw si Alden umakyat

Ay umasa ring sana tweets pa ay umangat,

Nang matapos ang araw ay napamulagat!

Mahigit DALAWAMPU’T LIMANG MILYONG TWEETS! Ngak!

 

Bukod sa Unang Dalaw d’yan din nakasabay —

National Pabebe Wave Day! Pakyut na Kaway!

Isang pagkikitang kay tagal na hinintay,

Paghanga sa serye milyon-milyong patunay!

 

Binabati ko lahat ang mga tauhan —

AlDub — Mata ng bagyo ng pagtitinginan,

Tinginan lang talaga at walang usapan,

Mga puso sa pag-ibig naghihiyawan!

 

Sa pasulat-sulat lang nila dinadaan

Ang kanilang pahayag ng pagmamahalan,

Kung damdamin nila’y hindi na mapigilan,

Sa telebisyon ang bawat isa kung hagkan!

 

Galing ng tatlo ay hindi matatawaran —

Ang Calle’s Angels, Hari’t Reyna ng Lansangan!

Ipagpatawad aking mga kaibigan,

Sa husay n’yo kulang ang aking kaalaman!

 

Sa larangan ng telebisyong himagsikan,

Sila na sa akin ang Bagong Katipunan

Na Kakwela-kwelahan, Kakilig-kiligang

Kalyeserye! At nabuhay ang kasiyahan!

 

Ano pa ba masasabi kundi SALAMUCH!

Dito at sa buong mundo Thank You sa lahat!

Naturalmente at ‘di na rin kinagulat,

May mga hindi rin happy na tsonggong puyat!

 

Kahit ano’ng laki yata ng karangalan

Ay may mangmamaliit pa rin sa ‘yong ilan,

Imbes na yumuko’t manahimik na lamang,

Mamatahin ka pa nang buong kayabangan!

 

Tila ba tingin sa tao’y hanggang dun na lang

At pulos kababawan lang agad ang bintang,

Kung kilala n’yang lubos tinanong mo naman,

Ang sagot ay hindi naman n’ya sinusundan!

 

Ngek! Ano ba naman ‘yan? Hindi mo ba alam?

Kung wala kang alam eh ‘wag makikialam!

Ayaw ng kababawan? ‘Yun pala dahilan

Kung bakit kayo lagi sa ilalim na lang!

 

Kung mababaw man ano naman ang masama?

Kaligayahan lang naman ‘yan umaakma,

Ako nga bigyan lang ng ballpen matutuwa!

Buti na MABABAW kaysa RATINGS MABABA!

 

Well, sa larangang ito ay ganyan talaga,

Hindi mawawala ang pagkokompitensya,

Walang mapipikon tuksuhan lang kumbaga,

Masakit din minsan lalo’t natatalo ka!

 

Bumabalik tuloy nung kami pa ay lima,

Maramihang hosts sa tanghali ‘di pa moda,

S’yempre talunan kami nung nag-uumpisa,

Pero ‘di na kami lumingon nang mauna!

 

Kaya ang payo sa katapat kung mauna,

‘Wag n’yo kaming tingnan at ‘wag lilinga-linga,

Kami naman kasi ayos lang pangalawa

Sandali lang, wala akong kausap pala!

ACIRC

ANG

ANG POET N

ANO

BAGONG KATIPUNAN

FIRST DATE

FIRST TIME

HINDI

KALYESERYE

LANG

NBSP

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with