^

Entertainment

‘The Same Pareho Pa More’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Totoo bang kapag “middle-aged” na ang tao,

MIDEL as in MI DELikadong sakit ito?

Ngek! Hindi naman kundi ‘yung feeling na nito —

Marami na s’yang ginagawang ROUTINE kuno!

 

Routine: A regular course of procedure ito,

Paulit-ulit, madalas at ordinaryo,

Tulad ba ng paliligo’t pagsesepilyo,

‘Yung bang nagiging boring na’t the same pareho!

 

Ang mga s’yempre tanggap na nati’t pasado

At hindi ubrang mabura sa sistema mo

Hanggang sa ikaw na’y magpaalam sa mundo —

PAGKAIN, PAG-INOM at PAGTULOG ng tao!

 

Kung minsan ba sa umaga pagkagising n’yo,

Naturalmente upang pumasok trabaho,

‘Di ba pumapasok sa inyong mga ulo —

Wawww… kape na naman, kain, ligo, sepilyo?!

 

‘Wag kayong mag-alala pati Ang Poet N’yo

Ay ganyan na rin sa isip ang tumatakbo,

Kaya kung minsan na rin ay iniiba ko —

Ang sequence: Gising, TV, kape sabay dyaryo!

 

Actually, KATAMARAN din ang tawag dito,

Lalo na’t nagpuyat ka’t malamig sa kwarto!

Gamot lang talaga sa problemang ganito —

Well, gawing pabago-bago ang programa mo!

 

Kunyari, gawing every other day ligo mo,

Pero araw-araw naman magsa-shampoo!

At kung sawa ka na ring magbasa ng ulo,

Di pumasok ka na lang nang naka-sumbrero!

 

Sa lahat naman ng mga “routine” na ito,

Taking a bath lang ang tao parang may bato!

Bumibigat katawan at tila ba gusto

Ay ang may magpaligo pa sa senyorito!

 

He, he, he … Cleopatra … asawa ni Cleopotro!

Ito nama’y para lalaki lang tingin ko,

Dahil hindi pwede sa babae ganito,

Importante sa kanila maging mabango!

 

Mas maangal talaga lalaki sa mundo,

Kaya nga mas konting hirap binigay dito,

Mas matiisin ang babae sa totoo,

Kaya raw boys may “erect” as in IREK-LAMO!

 

“Pagbabawas” lang ang ‘wag pagsasawaan mo,

Kalimutan nang lahat ‘wag lang isang ito!

Mahalaga ‘yan kaya malapit sa TAO,

Isang titik lang pagkakaiba sa dulo!

 

Ang Poet N’yo merong isang subok na payo —

Pag maliligo mag-iba-iba ng banyo!

At kung kaya pa at may panahon pa kayo,

Sa malayo o sa ibang bansa pa dumayo!

 

‘Di ko pa naman problema ito masyado,

Subalit alam ko na darating din ito,

Kaya ngayon pa lang isip kong mag-imbento

Ng nakaka-preskong pang-DRY CLEANING ng tao!

 

Lahat ng ginagawa ng tao sa mundo

‘Di nga maganda ang laging the same pareho,

Kaya kung laging pag Viernes ulam ay munggo,

Para maiba chicken feet isahog mo!

 

Maganda rin naman nag-eeksperimento,

Pati nga sa TV “copy and paste” din uso,

Isip-isip pag may time, isip pa more kayo!

‘Wag ‘yung tayo’y parang unggoy — what they see, they do!

ACIRC

ANG

ANG POET N

BUMIBIGAT

CLEOPOTRO

DAHIL

GAMOT

ITO

KAYA

LANG

NBSP

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with