‘In Your Dreams!’

Ilang ulit dito ay nabanggit ko na rin

Na “Longganisang Maong, Mga Dagang Denims”

Na isa sa mga sinulat kong awitin

Ang dumating nga sa Ang Poet N’yo in a dream!

 

Kay Paul McCartney ito ay nangyari na rin,

Awit n’yang Yesterday sa panaginip galing!

At may pagka-“weird” din katulad nung sa akin

Pagkat Scrambled Eggs title nung unang dumating!

 

Wait, “Longganisang Maong, Mga Dagang Denims”?

Scrambled Eggs kay Paul? Wala ba kayong napansin?

Ngek! Eh mga pang-breakfast ito na pagkain!

‘Di kaya gutom kami habang nahihimbing?!

 

Which brings us to our topic today na kumbaga,

In your dreams may pampagising na makukuha!

Ngek! Narito mga tanong at pananaw na

Walang saysay sa ibaat merong sasaya!

 

Dahil kung minsan ikaw’y pumoporma

O kaya nama’y nais mo lang magpatawa,

At kung naghihintay ka ng reaksyong tawa,

 “IN YOUR DREAMS!” ang ibabanat sa iyo ‘di ba?

 

May ilang makunat magpakita talaga,

Pero cute ‘yan sa nagpipigil na dalaga,

Basta lamang alam mo kung kailan tama na,

Tawanan mo lang pag sinabing “Walang kwenta!”

 

Kaya nga ang tyempo ay napakahalaga,

‘Wag mong sabayan kapag kayo’y marami na,

Maraming paraan patahimikin sila,

Dito walang problema… ako bida… basa!

 

Bakit ba “ibon” o “bird” tawag sa “thing” natin?

Eh hindi naman s’ya nakaka-flying-flying!

Pinakamalapit na d’yan kung pipilitin —

Isang ibon din s’ya at “thing” dahil… PIPIT-THING!

 

Kung ibon o birdie tawag dun sa lalaki,

Karaniwan naman ay “flower” sa babae,

Eh dapat pala para swak palitan ng BEE

‘Yung sa boys at madalas naman itong busy!

 

If we change flower naman para swak sa ibon,

Eh di nest o pugad mga girls magkakaron,

Pero parang matigas at tuyo dating nun,

Mas okey na flower at may bango pang baon!

 

Subalit may ilang babae ditong kontra —

Na tawaging “bulaklak” pag-aari nila,

At nang Ang Poet Nyo’y magtanong kung bakit ba,

Ayaw nila ng “bulaklak” at… nalalanta!

 

Anak ng bakang dalaga! Eh ano pa ba?

Talaga namang pagtagal dun din ang punta!

Pambihirang patis eto’t humihirit pa!

Eh di PLASTIC FLOWER kung ikaliligaya!

 

Ang mga lalaki naman ay todo-pasa,

Oks lang sa kanila kahit anong tawag pa,

Eh mga boys naman ganyan lamang talaga,

Basta lang makadapo! ‘Yun ang mahalaga!

 

He, he, he… ops teka, at meron pa nga pala,

Ilang mga babae na umaapela,

Kung pwede raw tawaging PUSA ‘yung kanila,

Ngek! Kumakain ng bird yu’t nangangalmot pa!

 

Kung ganon naman pala eh di gera na!

Nagpapakumbaba na nga’t BEE… maliit pa!

Pagkatapos ipu-push pang maging PUSSY s’ya,

Eh di papalitan rin namin aming… COBRA!

 

Anak ng pusa! Balik na naman sa pusa!

Talagang mga girls gusto lagi mahaba,

‘Yun bang pang-forever like the plastic flower nga,

Bakit pusa? Eh nine lives kasi ‘yung alaga!

 

At saka ‘yung pusa ‘di feminine ang dating ,

At parang wild s’ya kaya ‘wag nang pangarapin,

Just be like the flower at bee naman sisimsim,

At kung nais ipilit pa rin, well… in your dreams!

 

Nakakailang “in your dreams” na Ang Poet N’yo?

Akala n’yo ba eh titi-gilan ko kayo?

Tunay na humorist ay mamamatay — tao!

‘Di n’yo alam “KILL ‘EM DEAD!” — ‘yan ang aming motto!

 

“Play on words” ang basic that we call “pampainit,”

Dapat ‘yan oras-oras, every day practice it,

Alam mo rin dapat kung kausap na’y bwisit,

Kung hindi ka maka-PLAY? Eh di PILAY! Pilit?

 

Sandali, para na ‘ko nitong nagle-lecture!

OK lang, basta remember never surrender!

Comedy is making abnormal the normal sir!

There’s just ONE way in normal… MANY ways to laughter!

***

Laughter is TAWA. Ang baliktad nito ay AWAT kaya awat muna tayo sa tawa sa linggong ito at mangilin tayo. Starting tomorrow, Holy Monday, Eat, Bulaga! will be presenting our Lenten specials. The double feature for tomorrow, March 30, are Biro Ng Kapalaran starring Paolo Ballesteros, Jimmy Santos, Nova Villa and Keempee de Leon, and Lukso Ng Dugo with Aiza Seguerra, Pia Guanio, Julia Clarete, Ricky Davao and Ryzza Mae Dizon. March 31 will have Pangako Ng Pag-Ibig featuring Pauleen Luna, Rocco Nacino, Anjo Yllana and Jaclyn Jose, and Pinagpalang Ama with Ryan Agoncillo, Jose Manalo, Wally Bayola, Pilita Corrales at Ang Poet N’yo. Holy Wednesday will have Aruga Ng Puso, starring Marian Rivera, Ruby Rodriguez, Bianca Umali and Irma Adlawan, and Sukli Ng Pagmamahal with Tito Sotto, Allan K., Sef Cadayona, Ina Raymundo and Vic Sotto.

Show comments