^

Entertainment

‘The Birds And The Bills’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Sa t’wing umagang paggising ng Ang Poet N’yo,

Isang tasang kape agad at peryodiko,

At kailan lamang ang humuli sa pansin ko

Ay dalawang “malaking” balita sa dyaryo!

 

Una ay ang malalaking mayamang tao,

‘Yung mga ‘di magkasya ang pera sa bangko!

Eto ‘yung mga nangungunang bilyonaryo,

Kwarta ang sinusukang mga pilantropo!

 

S’yempre si William Gates na ang numero uno,

“Bill” nga nickname n’ya eh de short for BILLIONAIRE ‘no!

Pero kasama ‘ko sa list kahit paano

Dahil Number One Billion, Twenty Million tayo!

 

Ang pangalawang “malaking” Front Page news naman

Ay PALAKIHAN sa mga kalalakihan,

Ang mga PINAKANG KARGADA na listahan,

Ang mga Pinoy wala naman sa hulihan!

 

This is the B.O.I. report pero iba ‘to,

‘Di report ni Magalong sa Mamasapano,

For the BOYS only nga at Board of Inches ito!

Not Magalong but MEGALONG labanan dito!

 

Sa laki at haba taga-Congo pinaka!

Kulelat sa listahan taga-North Korea!

Kaya nga siguro hilig nila’y napunta

Sa malalaking MISSILE ginagawa nila!

 

Wala naman sa laki ‘yan — ang kasabihan,

Kung wala namang ginagawa no good din ‘yan!

At dahil nga d’yan sa aming palatuntunan,

Sa Problem Solving ito ang napag-usapan.

 

Ano ang pwedeng gawin pag walang magawa?

Kami ay nagulat sa mga nagsalita,

Dahilan upang tumulo ang aming luha…

Sa katatawa! Eto ilan at matuwa —

 

Pag hiwa-hiwalayin three-in-one na kape!

Ilista mo ‘yung maiingay sa palengke!

Umiyak habang nanonood ng comedy!

Uminom ng limang tasang kape’t mag-meme!

 

Ipabenta ang cellphone at bilhin mo ulit!

Sa harap ng salamin mag-bato-bato-pik,

Sige lang nang sige basta walang magku-quit

Hanggang may manalo! At ang sumuko… pangit!

 

Pag may nakitang langgam itim man o pula,

Sundan mo lang ito kahit saan magpunta!

Baklasin ang TV ‘tapos gawing radyo s’ya!

At ang mas maganda kung hindi mo TV pa!

 

Sa freezer ay pagkasyahin ang sarili mo!

Isda makipagtitigan… kumurap talo!

Pag-aralan ang lengwahe ng pusa ninyo,

Pagkatapos kulitin mo ang mga aso!

 

Sa iyong katabi ibigay ang pitaka,

Pagkatapos, “Magnanakaw!” magsisigaw ka!

Maliit na bata kurutin mo sa tenga,

‘Tapos sa pag-iyak ay uunahan mo s’ya!

 

Ngayon alam n’yo na kung ano gagawin n’yo

Kung wala kayong magawa and nothing to do,

Pero kaya nga lang kung ganyan naman kayo,

‘Wag n’yo nang pangarapin maging bilyonaryo!

 

Hmmm… at uubra pa nga rin dito siguro,

Pagkat marami naman ang mga oras n’yo,

Boys, kung sa “sandata” n’yo ay hindi ganado,

Magtyaga na lang North Korea gawing Congo!

vuukle comment

ANG POET N

BOARD OF INCHES

ETO

FRONT PAGE

NORTH KOREA

NOT MAGALONG

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with