^

Entertainment

‘Babyahe o Babae?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

“Eat, drink, and be merry, for tomorrow we die.” —

Isang lumang linyang hindi naman tunay,

Eh pa’no kung wala kang pera sa buhay?

‘Yung ‘eat and drink’ saan mo kukuning kamay?

 

Kung kaya nga binago ng Ang Poet N’yo

At ginawang mas malapit sa totoo —

“TRABAHO, IPON, TRAVEL, ENJOY” na ito

Na matagal na ring motto at prinsipyo.

 

Kumakayod pa rin at may ipon naman,

S’yempre sa travel nandun na kasiyahan!

Ngunit ganon pala kapag katagalan,

‘Yung “tomorrow we die” dumarating na ‘yan!

 

‘Di naman sa “die” ikaw’y matutuluyan,

Medyo ilang bagay ay pinanghihinaan

O napapagod na’t kinatatamaran,

Imbes na “die” ay “Ayyy…” ang kalalabasan!

 

“Ayyy ang layo… ayyy ang sakit ng balakang!”

Ayan, ganyan na ang mga kasabihan,

Anong Europe-Europe? Hong Kong pwede na ‘yan!

At hindi na kaya mga malayuan!

 

Kung kaya nga hanggang kaya mag-TITE tayo!

Short nung “Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy” ko,

And do it Today na dahil nga Tomorrow,

Puro “Ayyy…” na lamang maririnig sa ‘yo!

 

Pati nga ang “eat and drink” mo’y apektado,

Sabay din d’yan maraming merry-reklamo!

Kung minsan sa media ikaw na’y miyembro

MEDIA-betes po ang ibig sabihin ko!

 

Iba na ibig sabihin ng BABAI —

BA-BA-I… Bawal, Bawas, Iwas ang dami!

No more “kabit” mine-maintain pa si pare,

MAINTENANCE drugs na tinitira n’ya kasi!

 

At kung hilig mo naman nga’y pagba-viaje,

Meron ka na lang pupuntahan parati

Na napakalapit lang naturalmente,

Dito-dito na lang sa ‘ting kontinente!

 

Ayaw mo na ring magbuhat ng maleta

Lalo kung may sciatica o rayuma!

Kahit pa nga ‘yay may gulong na Rimowa,

Pupwede pa siguro ‘yung hila-hila.

 

Kaya ‘yang kodakan sa trip mahalaga

Dahil d’yan ka na lang to-throwback kumbaga

Upang balikan ang mga ala-ala

Pag ang pagta-TITE nga’y medyo malabo na.

 

TITE sounds like TIGHT, ‘yun na nga’t humihigpit na

Ang mga buto-buto at humihingal pa!

Kaya sige, GO RUN! GO RUN! Hanggang kaya!

Bago pa ‘yang GO RUN sa GURANG mapunta!

 

Ngayon pa naman mahirap maglalakbay,

Maraming bansa’y may kanya-kanyang away!

Mahirap nang magitna pa at madamay,

Hong Kong na lang o manahimik sa bahay!

 

At habang hinihintay ligtas na byahe

At nais puntahan meron pang enemy;

Hanggang buong mundo ay ‘di mapakali,

Trabaho At Ipon muna… in short, TAI?

 

At hindi dahil wala ka na munang trip

Eh pag-e-enjoy ‘di mo na makakamit,

Gastos mo pa nga ay higit na liliit,

Trabaho At Enjoy… in short, TAE? Ngek! S_ _ t!”

 

Ibig sabihin merong ubrang ipalit

Sa lakbay habang delikado pang mag-trip,

Magpapayat o magpalaki’ng palikpik

Takbo, Sipa, Inat, Kilos, Sweat… in short, TSIKS!

 

Ngiks! Pati nga sa tsiks ay mababawasan

Ang interes at pagtingin katagalan,

Kayabangan na lang pag pinagpilitan,

BABYAHE kaysa BABAE keri na lang!

 

Well, ‘yung iba ay napagsasabay ito —

Babae at Babyahe, one stone hitting two!

‘Yung babae kasi’y hindi misis nito!

Madalas scene of the crime itong gusto ko!

 

Basta Poet N’yo ngayo’y desidido na,

Japan na lang ang pinaka-Amerika

At ang gagawin kong pinaka-Europa

Ay ang Hong Kong at Macau, may slot machine pa!

 

At sa mga may plano ditong magpunta,

Magandang balita pagkat malapit na

Mabuo Eiffel Tower, may Hollywood pa!

Tabi lang ng Venice, walang visa-visa!

 

Sa Hong Kong-Macau na lang tayo magpunta!

‘Di tinatarget ng mga terorista!

Credit card and playing cards lang ang ban-kala!

Hindi buhay mawawala kundi pera!

vuukle comment

ANG POET N

AYYY

BRVBAR

EIFFEL TOWER

HONG KONG

LANG

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with