‘Diesel Is Sweet!’

Matapos maidighay ko aming pagpunta,

Sa sulok na ‘to mga three Sundays ago na,

Mga lamon sa UK nang aking mapuna,

UK pala kasi ang gitna ng bitUKa!

 

Ngek! Nadagdaga’t nabawasan ng pounds kami!

Alam n’yo na ‘yun kung paano pangyayari,

Naghiwalay kami sa Liverpool finally

At sa Hong Kong nagpatuloy ang aking journey.

 

At nang Eat, Bulaga! Dabarkads bumalik na

Mula sa Hong Kong at sa Pinoy nagpasaya,

Sa sinakyang Cathay may isang Pilipina

Na Flight Attendant at pabirong tinanong s’ya,

 

“Wala ba tayong pang-pasaherong pajama?”

“Naku none Sir, short flight lang eh,” seryong sagot n’ya,

Agad kong sinagot at seryo ring birada,

“Ah ganon, eh ‘yung pajama’ng may shorts wala ba?”

 

At sa lugar namin tawanan ay napuno!

Likas na sa akin at sa amin magbiro

Sa mga kababayan na nakakatagpo

Lalo na at ibang bansa nagtutungo.

 

Pag may lumapit nga sa aming tagahanga

At “Pwede po bang magpa-picture?” ang winika,

Aba’y ‘yung cellphone namin agad kinakapa

At kukunan sila! Ang pobre ay tulala!

 

Eh kung kami-kami nga ay naglalaglagan

Tulad nitong uwi namin sa paliparan,

Sabi ni Wally nung sa “Health Check” ay nagdaan,

“’Yang si Jimmy tatlong araw nang may lagnat ‘yan!”

 

May kanya-kanya ‘yang nakaw-pakwela

Lalo na pag eroplano ay nag-landing na,

Si Allan K., “Manatili lang po sa silya

Suot ang seatbelt hanggang makuha maleta!”

 

Meron pang, “Manatili lang pong nakaupo

Lalo na ‘yung nasa toilet pa’t pumu-pupu!”

At kahit narinig mo na nasabing biro,

Matatawa ka pa rin at tanggal ang hapo!

 

Ngunit kung minsan hindi ikaw ang humirit

Subalit “nakakatawa” sa ‘yo lalapit,

Kusang darating at ikaw ang magagamit

Katulad nga nitong aming latest Hong Kong trip.

 

Sa Times Square Mall ang unang Hong Kong dinner agad

Dahil nalaman kong dun ay merong Shanghai Crabs!

Eto rin ‘yung Hairy Crabs na dilaw ang loob

Dahil sa taba! Bahala na kung ma-high blood!

 

Habang sinusulat ako’y naglalaway na!

Eh pa’no naman masarap naman talaga!

Buti na lang ‘di pa sila nagsasara

Kung kaya nga mga shops sa mall ay bukas pa!

 

At habang Shanghai Crabs ay nilalantakan ko,

Diesel brand na damit ay pumasok sa ulo

Dahil nasa mall at ‘yun aking paborito

Kaya tinanong ko waiter kung meron dito,

 

Is there a Diesel here?” s’yempre ‘yun ang tanong ko,

Medyo nag-isip at tiningnan lamang ako,

Inulit ko tanong at tumalikod ito,

Bumalik sa akin may dalang DESSERT Menu!

Show comments