‘Beatles and Eatles’

Naging unang plaka ng Beatles ay Love Me Do,

Yeah, yeah, yeah! At Oh no, no, no! Anak ng kwago!

At alam ba n’yo kung ilang taon na ito?

Ngayon, tumataginting na Hawaii FIVE-O!

 

Ano, John, Paul, George and Ringo, FIFTY YEARS AGO?!

When I was just seventeen? Ngek! Ako’y nabisto!

And it won’t be long, from ONE-SEVEN to SEVEN-O!

Sa readers ko, excuse… magmumura lang ako!

 

Anak ng pu… to kutsinta! Sa White Plains ito,

Sino bang loko nag-invent ng kalendaryo?!

Pero sorry po ipagpaumanhin ninyo,

Medyo naging emotional lang Ang Poet N’yo!

 

Ehem, okey na ‘ko at medyo na kalmado,

Nakakagulat lang kasi’t nabigla ako,

Malamang dahil enjoy sa mga trabaho,

Hindi na napansin ang panahong tumakbo.

 

Wala na tayong magagawa’t nandyan na ‘yan,

Eh di let’s just GET BACK… balikan nakaraan,

Ngumiti na lang tayo at maganda naman

Ang mga pangyayaring ating dinaanan.

 

Puno at hitik ng tawanan at awitan,

Kanta kasi ng Beatles madaling tandaan,

Pati rin buhok namin ay naghahabaan,

What’s sad — Beatle songs still here… buhok namaalam!

 

Ngek! You’re gonna lose that hair, you’re gonna lose that hair…

If you can take that off tonight de ‘yan ay toupee!

Let it grow? ‘Wag na, let it go… let it go pare,

Imagine, John and George nga wala na ring hair eh!

 

At wala na ring anit at balat kung kaya

‘Wag nang malungkot repakol kung buhok wala,

To hair is human but NO HAIR is divine” pa nga,

Itanong mo sa nagpa-Brazilian mong syota!

 

Subalit nung nabubuhay pa si John Lennon,

Long hair nila ni Yoko ginawang donation —

For World Peace ang “hair piece” nila ay pina-auction,

Of course not, hindi sa “nakakalbong” gubat ‘yon!

 

Ngunit sa seryo Beatles Forever talaga!

Ang dami ngang tungkol sa Beatles na patawa

Bakit daw “Yellow Submarine” at hindi pula?

Eh kasi nga taga-LIVER pool sila tanga!

 

TVJ at APO nun sa Tough Hits ay enjoy,

‘Yun yung mga kantang ilang letra’y “binaboy”,

Norwegian Wood lyrics ni Danny, Jim and Buboy,

“I once had a girl, or should I say… she was a boy!”

 

Hindi re-mastered kundi “Beatles RE-BASTERED” ‘to!

Like, “I should have known botox on a girl like you,

Yes that your face stays the same when you’re blue…” punch eto

“When you’re glad, when you’re mad PAREHO!” ‘Yan epekto!

 

To the tune of All My Lovin’ ang isang ito

“Close your eyes and I bet you, You CAN’T dear I dare you,”

At syempre pa may pambalahura sa dulo,

Ang punch line nito —  “Remember the LIFTS you went through!”

 

And finally, isa sa aking mga patok,

From Beatles For Sale, to the tune of Baby’s In Black

Eto, “Oh dear what did you do? Our baby is black

And his eyes are blue, Tell me oh what did you do?” Ngak!

 

At meron pa ‘kong isang dahilan kung bakit

Pangalang BEATLES sa Dabarkads ay very sweet,

Eh kasi nga pag letters n’yay inikit-ikit

B-E-A-T-L-E-S… makukuha’y BLES EAT!

 

Ehem, pero sa totoo ay medyo dikit

Sa Barkadang Briton ang aming naging raket,

Pagkat kung Beatles sila ay EATLES taga “Eat …”

Katunog din ng Abbey ang E.B.! Ano, gets?

Show comments