To my wife Eileen minsan sinabi sa kanya,
“Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?”
Akalain n’yo bang sa akin ang bwelta n’ya,
“Naku, ang dami! T’yak ikaw ay pyestang-pyesta!”
Ngek! True story ‘yan kahit pa nakakatawa
And TRUE pa rin tanong ng pagpapahalaga
Hanggang sa ngayon at ‘di na magbabago pa,
Kung wala s’ya mahihirapan talaga.
Bakit naman hindi eh s’ya nagpreprepara
Lahat ng gamot ko at mga bitamina!
Sa totoo lang, sa S-KULET-IOSIS ko ba,
Sa aming dalawa mas high pa blood pressure n’ya!
May mga “sakit” kasi akong sanay na s’ya,
Katulad ng hilig kong magbukas agad ba
Ng bagong sabon kahit mero’t malaki pa!
Magbukas ng ilaw sa gabi kahit isa!
May sakit akong OPEN-DICITIS talaga!
At kung ako’y inyo talagang kakilala,
Pagpasok ko sa Eat, Bulaga! t’wing umaga,
Pag-alis ng bahay zipper ‘di nakasara!
Pagpasok ng studio dun pa lang isasara,
Eh kasi naman t’yan ko’y medyo lumaki na,
Pagsakay ng kotse syempre nang makahinga,
OPEN-DICITIS, este OPEN THE ZIPPER na!
Meron pa ‘kong isang sakit na dala-dala,
Tama ang inyong nabasa “DALA-DALA” s’ya,
Bagong damit at sapatos pag bumyahe na,
Hand-carried ko lahat at wala sa maleta!
Kunsabagay ako naman mahihirapan,
Okay lang sa ‘kin lalo ‘yung may kamahalan!
Pero isa lang dahilan ko at katwiran —
Eh papa’no kung maleta’y magkawalaan?
Kasi naman ma-LOST LUGGAGE ay mahirap na,
Kung sakit din ang PRANING mawalan, eh ‘yun na!
Kaya nga lahat ng favorite dala-dala!
Kung “Rimowa” maleta, akin CARRY MO-WA!
Ngunit ang pinakamatindi ko nang “-ITIS”
Ay walang iba kundi “KUNGWALASIMISIS!”
‘Yun bang tinatawag ding TOGETHER-CULOSIS!
Dapat magkasama kami pag umaalis.
Arrival/Departure cards taga-fill up ko s’ya,
Kaya nga kung minsan nadadalawa kanya,
Tanong tuloy sa akin pag immigration na,
“Excuse me sir, Miss Eileen Macapagal… are ‘ya?”
Ngek! S’ya aking doktora pati sekretarya
At s’ya rin ang nagturo sa aking magsimba
Linggo-Linggo kahit nasa ibang bansa pa,
Ano mang wika misa ako’y hila-hila!
Peace be with you, ang wika nga at EASE be with me
Dahil nga sa nagagawa ng aking es-mi,
Imagine, minsan hindi magkasama kami
Eh doon ako nawalan ng pasaporte!
Kaya mula nun por bapor o eroplano,
Por tren at awto at kahit saan sa mundo,
Kung wala si es-mi ‘di matutuloy ito!
At s’ya rin kasi nagtatago ng passport ko!
He,he,he … pero bakit nga ba talaga
Pinaparangalan ngayon aking asawa?
Eh kasi sa September 20 ay birthday n’ya,
HABERDEY! SANA’Y PAYAGAN NA ‘KONG MAG-ISA!
NGEK!
***
Happy birthday also to my daughters Jocas Eightria (Sept. 16) and Jacinda Myrtle (Sept. 22)! Idadamay ko na rin my “son” in Eat, Bulaga!, Aiza Seguerra (Sept. 17)!