‘WTF (What To Feature)’

‘Selfie-tureros’ — Ang Poet N’yo’s kids Jako and Jocas by Leonardo da Vinci’s resting place at the Chapel of Saint-Hubert at the Chateau d’Amboise in France (2006-2007).

Eto at nag-iisip-isip Ang Poet N’yo

Kung ano ang isusulat na artikulo,

Ang daming ubrang talakayin at ikwento —

May personal, kung ano uso’t komentaryo.

Oks din nung bata pa ako nung isang linggo,

Marami pang ubrang idagdag… pwedeng Part Two,

Alin, ‘yung mga “bata” ko nung bata pa ‘ko?

Dehins na lang at siguradong away ito!

 

May time pa ‘ko tungkol sa TIME kung bitin kayo,

“Be On Time Pag May Time” topic seven weeks ago,

Malawak kasing pag-usapan tungkol tiempo,

In telling jokes and singing nga TIMING is UNO!

 

Hindi ba we need time pag tayo’y nag-iisip?

Humihingi ka rin ng time kapag nagipit,

At kung nais makapuntos sa nilalangit

Pag “nag-init”, ‘di ba’t SHORT TIME din igigiit?!

 

And speaking of LONG TIME naman, this coming Wednesday

Is The Pinoy’s Longest Running TV Show’s Birthday!

Thirty-Five Years of EAT (Bulaga) ALL YOU CAN! Yeyyy!

TENKS from your Dabarkads, Ryzza Mae and TVJ!

 

Type ring i-type  … yes, may typewriter pa Poet N’yo!

Yung tungkol sa latest trip namin sa Hokkaido

At magagandang Lavender Fields nakita ko!

Ang hindi lang maganda — na-allergy ako!

 

Nalanghap kong pollen siguro ay SUMOBRA

Kaya SUMUNOD SUMALIPAWPAW- Nagoya

At SUMALAMPAK para manood ng SUMO pa

For six hours! Ngek! SUMAKIT bewang ko talaga!

 

Sumagi rin sa isip ko Super Sireyna

Kung saan sa First Worldwide nanalo’y Nigeria

At nag-trending pa! Hmmm … ang ibig sabihin ba —

Ang mga “lalaking babae” ay mas “GANDA”?!

 

Maganda ring pag-usapan ang kasabihan

Sa Suffer Sireyna at ang winner tunghayan —

“ANG PUTOK MO’Y ‘WAG IKAHIYA KAIBIGAN

PAGKAT ‘YAY PINAGHIRAPA’T PINAGPAWISAN!”

 

Nais ko ring isulat ang isang hilig ko —

Ang tungkol sa pagpapakuha ng litrato

Sa mga puntod ng mga sikat na tao,

Ayaw ng iba’t tumatayo balahibo.

 

At bakit naman ba manghihilakbot kayo

Kung si Christopher Columbus ang katabi n’yo?

O si Audrey Hepburn o si Marc Chagall ito?

O kaya nama’y si Saint Bernadette Soubirous?

 

‘Di n’yo ba hihilinging magpakita ito

Kung katabi n’yoy libingan ng isang Santo?

Si Leonardo Da Vinci sa malayo’y dinayo,

Ano tawag sa bisyo ko? SELFIE-TURERO?!

 

He, he, he… buti na ito kaysa mamboso,

‘Yung BOSO-CIAL MEDIA natatandaan ninyo?

‘Yung imbes Instagram ay INSTAGROIN ang gusto!

Pa-Selfie na lang sa dedbol… walang reklamo!

 

And speaking of dedbol, nalimutan ko, naku!

Noong Father’s Day na batiin ang tatay ko,

Teka, kung EXPAT na ba s’ya greetings paano?

EXPAT… Expired Erpat ang ibig sabihin ko!

 

Eh kung “Happy Father’s Day” ay medyo asiwa

Sa isang taong wala na at namayapa,

Eh di “Birthday” ganon din kaya pa’no na nga?

Kasi next Sunday naman ay birthday ni Epa!

 

Paano ba babati ang mga naiwan

Sa mga nauna nang taong nalagutan?

Mas tagilid naman ‘yung “Many Happy Returns”

At baka seryosohin at bumalik nga ‘yan!

 

Ngek! Teka’t nalibang yata tayo nang husto,

Nag-iisip pa nga ako ng artikulo,

Ano? Mahaba na’t pwede na ‘kamo ito?

Ganon ba? Eh di sa next Sunday na lang tayo!

Show comments