‘Mabuti Pa Nung Bata’
Dahil sa “flashback” at “throwback” na ‘yan sa cell phone,
Kumislap muli sa isip isang kahapon —
Sinulat kong titik sa isang VST song,
“Mabuti Pa Nung Bata Masaya” title nun.
“Habang lumalakad ang bawat panahon,
Tayo’y kinakaba panay na ang lingon…
Sa pagpalit-palit ng mga araw,
Naiinggit na tayo sa nakaraan…”
O, hindi ba’t mala-propeta Ang Poet N’yo?
Pagkat lyrics ko ‘yan more than 30 years ago!
At hindi ba’t habang tao’y umaasenso,
Sa kahapon ay pabalik-balik din tayo?
‘Di naman sa nais buhatin ang bangko ko,
Maganda rin ang mensahe nito sa dulo —
Na mahalin natin mga bata sa mundo…
At higit nga sa lahat ang mga anak mo!
Kaya hayaan n’yong sa pagkakataong ito,
Ako’y lilingo’t ibabahagi sa inyo
Mga ilang “masaya” at pagka-kontento
Sa mga kahapong araw ng Ang Poet N’yo.
Ang paghabol-habol ko nun sa trak ng yelo
At tipak na maliliit pinupulot ko
At ginagawang kendi’t nginunguya ko ‘to!
‘Di ko nga maalalang ako ay nangilo!
Hinuhugasan muna? ‘Di rin sigurado,
Kasi naman nun umiinom pa sa gripo!
Wala pa masyadong mga dumi’t mikrobyo,
Malinis pa mga kanal, ilog, estero!
Sa mga punong-kahoy panhik duo’t dito,
Bayabas, santol, mangga, suha at kaimito,
Kalaba’y pulang langgam, higad, hantik pero…
Kung minsa’y sila rin ang mga kalaro ko!
Kapag paslit ka pa lahat inaamoy mo,
Minsang pa nga’y subo! Lasa kaya ay ano?
Ngunit may isang hanggang ngayon ay hanap ko —
Bulaklak ng SUHA… kaiba kanyang bango.
Walang mga poso sa kinalakihan ko,
Lumaki ‘kong Ka-Gripo at hindi Ka-Poso!
Inaabanga’y pag-ulan sa paliligo,
Alulod at lansangan — dutsa ko at banyo!
Bubungan man nun gawa sa pawid o yero,
Pagpatak ng ulan ay dinig na dinig mo!
Isa lamang noon kinaiinisan ko —
Paglagay ng tabo pagtulo sa bahay n’yo!
Baha ay ‘di ko gaanong kinatutuwa,
Ayos lang s’ya pag nagpapalutang ng bangka,
Pero paglusong medyo nandidiri bata,
House nami’y sandwich ng two funeral homes yata!
Baha’y ‘di mineral water kundi FUNERAL!
Afraid lang si Little Joey baka pagtagal
Maanod hindi lang from the garbage disposal
Kundi pati na rin ‘yung mga INTESTINAL!
Ngek! And still about “insides,”, remember PITOGO?
‘Yung sinusungkit at dinudukot loob po
At ginagawang key chain at d’yan tinatago —
Diez centimos sa wallet ni Lolo naglaho!
At pa’no makakalimutan ang TULI?!
Na kung bakit ginagawa’y ‘di mo mawari
At ubra naman pala at pwede ring hindi!
Marami lang d’yan sa tukso ay nakulili!
Ni wala ngang nagsabing religion ang sanhi
At sa Kristiyano kasi’y ‘yan ang ugali,
Basta ang alam lang nati’t sa isip humabi —
Dapat TULI! Pag SUPOT ka… nakaka- DYAHI!
Kung “orig” kaya’y pinilit pinanatili
At ‘di pinukpok o pinutol at tinahi,
‘Yon pa rin naman tawag sa ‘yong pag-aari
At dadami pa rin naman ang iyong lahi!
Sa larangan ng sining lalo iskultura,
Masdan lalaking hubo at kapuna-puna,
Katulad nung kay David sa kanyang estatwa,
Mas maganda kargada kapag may supot pa!
Wari bang sa ati’y ipinaaalala
Nung nilalang ng Diyos si Adan at Eba,
Siguradong si lalaki nun ay supot pa,
Lumabas ulo ng ahas nang magkasala!
- Latest
- Trending