^

Entertainment

‘Pambansang Sabit’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Para matigil na ‘yang mga kaguluhan

Tungkol sa isyu ng “National Artists” na ‘yan,

Simple lang — bakit hindi na lang ‘yan tigilan?

Tama na ‘yang “National” na may katauhan!

 

Sapagkat kapag tao ay merong inggitan,

May mga “baho” rin at may mga kalaban!

‘Yang “National Artists” na’y ating kalimutan!

T’yak may sabit SAPAGKAT TAYO’Y TAO LAMANG!

 

Sa mga ibang bansa nga ay iilan lang —

Pambansang Watawat at Awit lang naman!

At ilang National Symbols lang kailangan —

Bulaklak, Puno, Ibon… BASTA KALIKASAN!

 

Dito nga sa ‘tin pati ulam pinatulan!

Akalain ninyo National Food ba naman!

May nagsabing “adobo”… ano ba naman ‘yan?

‘Di ba dapat original sa ating bayan?

 

At mukhang sa Kastila ang pinanggalingan,

National Food dapat ay kinakailangan

‘Yung madalas kanin ng ating kababayan —

Eh ano pa eh di NOODLES NA SINABAWAN!

 

Kahit anong “National” ay gawin na ninyo,

Basta, para n’yo nang habag, huwag lang TAO!

Kahit nga ASKAL para sa Pambansang Aso!

Kahit ano, kahit National Book Store pa ‘to!

 

Ang National Flower raw na Sampaguita

Eh hanggang ngayon nga’y pinagtatalunan pa,

May nagsasabing galing Tsina, may sa India,

Pambansang Bulaklak? Eh di CHICHARON n’yo na!

 

Tawag na “National Artist” ay para baga

Isang make-up artist sa isang punerarya!

Ngek! Kaya tama na’t ‘wag nang pagtalunan pa,

Just stop it! At dahil punerarya… de DEADMA!

 

O sa malupit na paraa’y PATAYIN NA!

Basta patungkol sa “Pambansa” ay tigilan na!

‘Yun ngang mga “bituin” sa ating bandera,

Tila ba hindi pa nga magkakakilala!

 

O kung ‘yun ngang Pambansang Awit natin ‘di ba,

Sa tuwing may aawit ay may napupuna —

Kung hindi mali ang tiempo, may maling letra,

Hindi nga magkasundo kahit sa pagkanta!

 

Maya o Monkey-eating Eagle? Ano ba d’yan

Ang National Bird nga natin sa totohanan?

At kung pagbabasehan nga ay karamihan,

Agila na! Mas maraming may tattoo n’yan!

 

Sa Pambansang Hayop ano nga ba talaga?

Tamaraw? Kalabaw? O ang inyong asawa?

Dahil mas malimit sigaw ni Aling Iska,

“Hoy Pedro, magtrabaho ka naman HAYOP ka!”

 

Ang mga “National” dapat ay marami pa,

Ating National Tree meron pa bang natira?

Ang tingin ng Ang Poet N’yo ito’y ubos na!

Kaya ba magno-NORA… ay wala nang NARRA?!

vuukle comment

ANG POET N

KAHIT

KAYA

NATIONAL

NATIONAL ARTIST

NATIONAL ARTISTS

NATIONAL FOOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with