^

Entertainment

‘Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Diyos’

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Here’s Nora Aunor’s official statement regarding the National Artist issue, written in Filipino:

Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta  at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol  sa National Artist Awards.

Inaamin ko pong nasaktan ako sa mga nangyari. Pero ang dagsa  ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan--- mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at  madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National

Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa ---ay  sapat-sapat na upang maramdaman kong maski wala mang tropeo o  karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman  ako ng mga kababayan ko habang buhay sa kanilang mga puso bilang isang  artista ng bayan.

Para sa akin po ay mas totoo at mas masarap ang karangalang ito  dahil taus-pusong nanggagaling sa mga taong siyang dahilan kung bakit ako nagpapakabuti bilang isang artista---ang mga mamamayang Pilipino. Ang pagsuportang ito ang lalong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin, at ng walang kapantay na inspirasyon, upang lalo kong pagbutihin ang aking sining, upang  lalo akong sipagin sa pagbabahagi ng kung anumang talento meron ako, at  upang lalo ko pang pag-ibayuhin na maging isang mabuti at marangal na mamamayang Pilipino.

Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Diyos.

 

DIYOS

INAAMIN

MARAMING

NATIONAL ARTIST

NATIONAL ARTIST AWARDS

NORA AUNOR

PERO

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with