‘Be On Time Pag May Time’
Pinakagalit ako ‘yung wala sa oras!
‘Yun bang usapan ngayon ngunit dating… bukas!
Huwag gawin ang relos na isang pulseras,
Kung ‘di maitumpak ikaw na la’y umiwas.
Kung hindi mo kayang sa usapan kumonek
At tamang oras madalas mong nani-neglect,
Eh wala ka palang karapatang mag-Patek
Kahit na ‘yung pekeng ang ispeling ay ROLEK!
Bago pa tayo lumabas sa maliwanag
Ay inoorasan na ang bawat paghilab,
At sa aklat ng sanggol sinusulat agad —
Oras, timbang, haba, meron o walang bayag!
Sa imbitasyon ng kasal nandun ang oras,
Nililista rin ito pag ikaw’y nautas!
Maging nasa oras kayo lagi’t madalas
Nang ‘di masabihang, “May oras ka rin ungas!â€
Kaugnay sa oras ang pagiging maagap,
‘Yun bang hindi paghilig sa pagpapabukas,
Wari bang kung iinom ka rin lang ng gatas,
Inumin na ngayo’t baka panis na bukas!
Magagawa ngayon ‘wag mong ipagpaliban
Nang marami at higit pa ang magampanan
At ikatwirang tatapusin mo rin lang ‘yan,
Ba’t ‘di pa gawi’t nang may ibang masimulan.
At ‘wag na ring utay-utayin mga ito,
Huwag kang magpipigil, ibigay ang todo,
‘Wag ‘yung pag nagpagasolina isang litro,
Abay isagad agad ninyo! FULL TANK NA N’YO!
Ang kasabihan nga maikli lang panahon,
Madali lang malaglag na tila ba dahon
At naririyan lang s’ya sa tangkay nang minsan
Kaya habang s’yay sariwa ay pagsasaan.
Ang tao ay tulad din ng isang orasan —
May mukha na tadtad din ng alahas minsan,
Dalawang kamay at meron ding kamatayan
Pag ‘di mo ginalaw-galaw at sinusian.
Kaya nga oras n’yoy isaalang-alang,
Pahalagahan at ‘wag sayangin kung saan,
Sandaling lumipas ‘di na nababalikan
Kaya gamiti’t itama habang nariyan.
Isipin n’yo kung walang oras at sukatan
Ang panahon at dilim at liwanag lamang,
Mga pagkikita’y sa paglitaw ng buwan,
Sa t’wing paglalagas o pagpatak ng ulan.
Nilikha ni Bathala ang mga panahon,
Tao nama’y ginawa ang oras at taon,
Kung mga ito sana’y ating hinabaan,
Di sana’y matagal tayong magtatandaan!
Basta ako sa oras simula pa noon,
Kung ano usapan asahan mong naroon,
Masyado kong dinibdib kung kaya nga ngayon,
Pag kausap nahuli’y naa-alta presyon!
Be on time pag may time please, para n’yo nang awa!
‘Wag kausap pabayaang nakatunganga,
At kung alam n’yo lamang na ang Eat, Bulaga!,
Pagiging “nasa oras†ang naging simula.
Meron kasi kaming dalawang kaibigan,
Kung sino’ng tatanggapin ‘di namin malaman
Upang gumawa ngang palabas tanghalian…
Hanggang sa maka-isip ng isang paraan!
Kanino bang offer ang aming pagbibigyan?
Desisyon naming tatlo na ay kailangan,
Kaya nangyari aming napagkaisahan,
Simple lang — kung sino magaling sa usapan!
Intercon parking lot at exactly five-thirty!
Piyem syempre pinapunta si Boy and Tony…
Late ang may Asti Spumanti na si Boy G.,
On time si Tony T. and the rest is history!
Ang na-late na producer ay the late Boy Gatus!
And of course, sa Iskul Bukol s’ya ang aming boss!
Tony Tuviera pa nu’y medyo kinakapos!
Ang kwela — ‘yung Asti pa ni Boy ang pinang-TOAST!
- Latest
- Trending