Nakakita na ako ng “Ghost†sa London pa!
Multo? Hindi pa pero Montreux nakita na!
Manok sa bato nung sa Israel magpunta,
Manok na bato? Hmmm… Stonehenge? Oo nga pala!
Nakita ko na rin pala si Mona Lisa,
Lourdes, Fatima, Montserrat, Nara, Geneva,
Catalina, Petra, Estonia pati Bruja!
Si Queen Elizabeth nga ay sinakyan ko pa!
Ops, ‘wag naman kayong mawa-Wow Malisyosa,
‘Wag madumi utak kayo nga ay magsimba,
Kahit saan basta may altar bumisita,
Ako nga pati sa Gibraltar ay sumamba!
Sa The Church sa Dublin ay nagtanghalian pa!
Nagsimba’t nagmisa naman sa Macarena!
Ngeh! Sa Hard Days Night ako ay nakatulog na,
Pero sa Hooters ang paborito kong kama!
Ngek! Teka, kayo ba’y medyo nalilito na?
Pwes, marami pa ‘yan ‘wag munang maloloka,
Talasan n’yo lang ang isip sa binabasa,
Kung gulong-gulo na, Google na nang makuha!
Umisplit na ako to go to Split, Croatia,
Nag-Knock… Where’s that? Sa County Mayo sa Ireland s’ya,
Nag-Sydney but Canada! Nag-pizza sa Pisa,
Naligo sa Bath but sa England pa nagpunta!
Ang Poet N’yo nag- rush s’ya papunta ng Russia,
Putok, este patok ang lakad sa Granada,
Checked the Czech Republic at nagpunta sa Praha,
And Joey saw more joeys pagbyaheng Australia.
Ngunit ‘yay mga lugar at trip ko lang sila
Na paghalu-halui’t i-blender kumbaga,
Paglalaanan pa ‘yan ng panaho’t pera
Para mapuntahan at lahat ay makita.
At saka nagpraktis lang ng pagpapakwela,
Naisipang mga salita’y laruin ba
At sakit ko naman ‘yan palagi talaga,
Pero dun tayo sa kahit sino ay kaya.
At sa simple at abot-kamay na bagay ba
Ay masagot n’yo tulad kung nakakain na
Ng Butterfruit, Shaddock, Paw paw at Sapodilla?
Of course naman! Ops, ‘yay kung kilala n’yo sila!
Sa pagkakasunod-sunod ay eto sila —
Mabolo, Suha, Papaya, Chico! Kuha ba?
Biro n’yo pinapasok natin sa bituka
Kaya dapat sila’y lubos nating kilala!
At sa dinami-rami ng fruits alam n’yo ba?
Likas lang daw sa’tiy bungang-kahoy iisa!
‘Yun bang dito raw sa’tin ito nag-umpisa —
MABOLO lang daw ORIG sa Pinas talaga!
Mabolo s’ya dahil kaya mabalahibo?
May iba pang tawag — Velvet Apple din ito!
Pero malamang nakakalimutan ninyo —
S’ya rin si KAMAGONG! Astig na si El Negro!
‘Yung “Kamias†nga natin ay BILIMBI sa iba!
Marami ang pa-STAR — may “fruit†at “apple†pa!
Nandyan din ang Malay Apple at Carambola —
Macopa’t Balimbing ‘yon! Ang fruta talaga!
O kitams, fruits pa lang tawag na’y iba-iba,
Sa English names pa lang ay “fufururuit†ka na!
Pero katulad lang ‘yan ng ibang bagay ba —
Basta yummy ‘di bale nang ‘di mo kilala!