‘There’s also fun in the Holy Land’
Malamang susunod akin nang naikwento,
Pero Lent na uli kaya pasok na ito —
Ito ang tungkol sa Lola na nakita ko
Na nag-i-Station of the Cross long time ago.
Subalit matandang babae’y napansin ko
Na baliktad ang pagbisita sa numero,
Imbes na One to Fourteen ay paatras ito
Kung kaya nagmagandang-loob agad ako.
Matinding pasasalamant sinukli nito,
Minasdan akong mabuti’t ngumiti ito
Saka nagwikang, “Kaya pala napansin ko
Amang na palakas nang palakas si Kristo!â€
Naturalmente ito ay hindi totoo,
Gawa-gawa lamang hanggang ngayo’y ewan ko,
Pero nung ika-labindalawa ng Marso
Sa tunay na pinangyarihan ay nagtungo.
Lumipad nga kami’t nagpunta sa Promised Land —
Israel! Astig security check! Promise ‘yan!
Sa Dubai muna pagkatapos Amman, Jordan,
Sa Tiberias, Sea of Galilee nanirahan.
The Sea of Galilee ang view sa aming kwarto
At dito nga naglakad sa tubig Ang Maestro
At hindi totoong kaya ginawa ito
Kasi hindi marunong lumangoy si Kristo!
Boss joke lang dahil Ikaw naman din ay tao,
Well, alam kong alam Mong palusot lang ito
Pero pagpapasensyahan mo pa rin ako
Because I’m a Pilgrim and not a tourist dito!
Anak mo naman ako kaya peace na tayo,
Ayos! Pwede nang ituloy ang mga kwento —
At sa Bundok ng Tabor kami ay nagtungo
Kung saan Transfiguration nangyari dito.
Ito ‘yung pagsasama at pagpapakita
Ni Moises at Elias at si Hesus kasama,
At nang kami ay pumasok sa Nazareth na,
H & M at Zara ang unang nagpakita!
Bakit, ano ba ang buhay dito tingin n’yo?
Aba, hindi lang puro Holy Sites nandito,
Meron din sila kung ano ang meron tayo
At pag sinabi ko t’yak matatawa kayo!
Kung may Megamall tayong ipinagyayabang,
Eh meron naman silang Mecca Mall sa may Jordan!
Sa Bethlehem naghanap ng Starbucks nung minsan,
Wala! Pero “Stars and Bucks Café†meron naman!
Between Sixth and Seventh sa Via Dolorosa
Ang Holy Rock Café ay iyong makikita!
At meron akong nabili na kamiseta,
Imbes Guns N’ Roses… Guns and Moses ang print n’ya!
Nag-check in sa Herod’s Hotel at nagpaganda
Sa Dead Sea — dating Beauty Spa ni Cleopatra!
Aba, dito pala’y lulutang ka talaga!
Ang presyo’y paiba-iba — Floating Rates baga!
The Lowest Place on Earth nga ang tawag sa Dead Sea,
400 plus meters below sea level kasi!
Lulutang ang tao dahil s’ya ay ten times salty!
Sa Pasig pag may lumutang ay patay surely!
Madalas mong madinig ang “My Brother thank you!â€
Lalo kung may nagbayad ng foods o ng drinks mo,
Minsa’y may nagbayad paggamit ko ng banyo
Ay “My Bladder thank you!†ang biglang nasabi ko!
Dalawang shekels lang naman halaga nito,
Katumbas One Dollar o kalahating Euro,
Nagkalat talaga ang WC dito,
Iba WC natin — Wall Comfort tayo!
The Wailing Wall o Western Wall di’y pinuntahan,
Nag-renew ng Baptism sa may Jordan,
Nagpabinyag ulit at nakaputi pang gown
Pero BASBAS at ‘di BAYABAS kailangan!
Ngek! Nakupo ang dami pang mga kakwanan
Kung kaya nga “There’s also fun in the Holy Land!â€
Hummus and Humor kumbaga pinagsaluhan,
Next time na lang ‘yung iba’t mahina kalaban!
- Latest
- Trending