Bakit sa may Ateneo sa Katipunan
Marami ang mais vendors na naghambalang?
Ah, eh… yung punchline atin na lang kalimutan,
‘Wag na lang at baka sabihin n’yong MAIS lang!
Ngek! ‘Yan ang joke na joke lang… eto na talaga —
Bakit ba karaniwan ay mga luto na
Ang mais sa may Ateneo tinitinda?
Eh kasi nga ayaw nila dun ang BERDE pa!
He, he, he… kung bitin pa kayo MAIS-SA PA —
Bakit nga ba talaga doon nagbebenta
Sa may Ateneo na BLUE pa ang Agila?
Eh kasi MAIS CON YELLOW ayaw din nila!
Nyeh! He, he… Parang ‘yung isa pang tanong lang ‘yan —
Bakit sa White Plains sa may Quezon City naman
Maraming KESONG PUTI na mga tindahan?
Eh kasi nga may WHITE at KESONG CITY pa ‘yan!
Well, pasakalye lang ‘yan sa pag-uusapan,
Pasakalye pagkat sa “kalye†na tsibugan
O ‘yung mga street food tawag n’yo karaniwan —
The fastest fast food… Al fresco pa sa Italian!
O isang “stand up†dinner din kung tutuusin
Sapagkat patayo n’yo lamang kakainin,
O mula sa kotse pwede mo nang abutin
And T-T-T-T — Then Tapon ‘Tapos Tsiritin!
Tandang-tanda pa mga unang inabutan
Na mga kinakaing tinda sa lansangan,
Puto-kutsinta, taho’t dirty ice cream pa lang,
May oras pa dating at sa bahay dadaan.
Kadalasan ang “pot-pot!†o ang pagbusina
Ng bisikleta’y sa hapon para meryenda,
Tinapay na may asukal at mantekilya,
Bitso-bitso’t bibingka, maruya’t carioca.
Halo-halo’t sa malamig unang pumwesto
Sabay na rin saba, munggo at mais con hielo,
At kung minsan naman nag-iinit ang tatlo —
Ubra ring ginatan kung gagamitin ninyo.
At s’yempre sa gabi, “Baluuut!†maririnig mo,
Pang-gabi rin popcorn, pag hapon binatog ‘to,
Mais talaga ang daming pinasok nito
Hanggang sa grumadweyt na nga sa Ateneo!
Meron pa ngang isa na chokaran ng popcorn,
Lagi silang magkatabi pag may peryahan,
Ito ay ang napakaingay na chicharon
Na kapag nadurog labas na ay pulboron!
Inihaw na mais o nilaga man ito,
Nilagang mani, okoy, lugaw, mami, goto,
Lahat ng pansit, lumpiang sariwa at prito,
At di nagtagal nauso na ang barbecue.
Ang Haring Kawayan ay naging paborito,
At sa eskwela kung natatandaan ninyo,
Nilaga lang ang saba pag recess na tayo
Ngunit nung natuhog na’y naging Banana Q!
Pati kamote, tinuhog na kahit ano,
Mga dating tinatapon street food na ito!
Bituka’t lamang-loob ng pet ni San Pedro,
Pati paa ng manok akalain ninyo!
At paano ba natin makakalimutan
Ang paborito ng mahirap at mayaman —
Ang FISH BALL! Ang rich may kanya-kanyang sawsawan
At mga poor naman sa SAWSAWAN NG BAYAN!
Ngek! O street foods mula nang ikaw ay isilang,
Pati mga food streets na rin ay nagdamihan,
Ang EAT talaga ay panghabang-buhay na ‘yan
Kaya nga sa BULAGA ‘yan ang pinangalan!