^

Entertainment

Sa Malamig!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Kung ikaw ay wala pang gaanong salapi,

Wala kang magagawa’t ‘di makakapili,

Kung ano pagkain ‘di ka makakahindi,

Lunok ka na lang may simangot man o ngiti.

 

Pag nagkalaman na bulsa’t todo na ngiti,

Dahil man sa sinwerte o pagpupunyagi,

Mga paggagamitan mo na ng salapi —

May luho ka nang magdikta’t makapamili!

 

Pinakamaganda pa nga kung tututusin —

QUALITY and QUANTITY ubrang pagsabayin!

Kahit anong oras kung ano gustong kanin

At kahit ilang ulit dagat ay tawirin!

 

Ngunit hindi naman ibig nito sabihin

Na kahit ano na lang ay iyong gagawin

Sapagkat likas ang bawat isa sa atin

May nais na bagay at may ayaw pasukin.

 

Kung kaya nga ngayon ay ating aalamin

Kung ano ayaw at gusto kung tatanungin,

Sa pag-iibang bansa aking pipiliin —

Malamig na lugar! Ayaw ko kasi swimming!

 

Sa malamig! Sa malamig! Pati inumin —

‘Yung may sago’t gulaman pati dirty ice cream!

Kung bakit no swimming ay ‘wag n’yo ‘kong kulitin,

Kayo man malunod three times ano gagawin?!

 

‘Yung mainit naman basta lang sa pagkain,

Kumukulo ngang sabaw kaya kong higupin!

Basta ‘yung sa dagat oks lang basta no swimming

Pagkat 14 times na ring nag-cruise mga darling!

 

I’m not a son of the beach! A beach person, I mean,

Nagbi-beach rin ako pero patingin-tingin,

Ayaw ko kasing briefs ko’y nagkaka-buhangin!

And besides, ‘di talaga marunong mag-swimming!

 

Eh hot na nga rito hot pa rin pupuntahan?!

Ngek! Tila ba impyerno pinag-uusapan!

‘Tsaka mas astig naka-jacket sa pormahan

At s’yempre pa mas aprub pagdating Kodakan!

 

Op kors maganda rin naka-bikini tingnan,

Ngek! Eh hindi naman ako nagsusuot n’yan!

Pero sa seryo oks na ating sea, sand and sun

Kaya kung gusto ng beach eh dito ka na lang!

 

Kaya nung isang linggo nagpuntang Hokkaido,

Sa Japan’s Largest Snow Festival sa Sapporo,

Napakainit ng pagtanggap sa’min dito —

Sumalubong lang naman — 13 below zero!

 

At ito palang yelong inuukit dito

Ay galing pa sa mga bundok ng Hokkaido

At ‘di mga bloke sa pabrika ng yelo,

Kalahok sa Ice Festival sa Susukimo.

 

At ‘yung Odori sculptures nama’y gawa sa snow,

Meron ding yelo at naglalakihan ito!

At sa dahilang wala namang gera dito,

Ang lumililok nito ay mga sundalo!

Korekek! “Cold War” talagang matatawag mo

At mula pa yata 1948 ito,

Siguro after the war utos Hirohito,

“Sundaro d’yan muna magparamig ng uro!”

 

At kung larong alam n’yo lang tungkol sa n’yebe

Ay “building a snowman” o magbatuhan pare,

Abay matutuwa maliit at malake

Sa mga Snow Attractions duon sa Tsudome!

 

Kung Susukimo at Odori ay sa mata,

Sa Tsudome naman ay magwawala ka na!

Magsawa sa snow! Sumirko’t magpainit ka!

Init sa lamig? Eat Ramen man! Alleluia!

 

Lahat ng slipping and sliding sa yelo’y pwede,

24 hours pa shopping sa Don Quijote!

Kung sakaling malakas pagbagsak ng n’yebe

Ay may underground shopping lagpas alas nueve!

 

Naturalmente mangangatog kayo dito

Kaya maghanda mula paa hanggang ulo,

But almost 200 ice sculptures and snow statues;

Of course your fun with SNOW… the comparison IS NO! 

 

Oh yes, come na kung gusto ng thrilling and chilling,

‘Langya para ‘kong may lagay ah! Hai! No kidding,

Sabi nga ng ‘sang girl sa Little Miss Philippines,

“Ang batang Hapon paglaki ay Hapon pa rin!”

vuukle comment

AYAW

COLD WAR

DON QUIJOTE

HAPON

HOKKAIDO

ICE FESTIVAL

KAYA

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with