‘Signs’
Kung si Adam and Eve ay paniniwalaan,
Maniwala rin kaya kayo na senyasan
Una nilang komyunikasyon at “usapan�
Tinginan… pakiramdaman… senyasan… SIGN lang!
Ngitian… senyasan… senyasan nang senyasan,
The word SIGN ay napakaraming kahulugan,
Uubrang SENYAS, KARATULA o LAGDAAN
At ginagamit ding ISANG PALATANDAAN.
At meron pa ngang tinatawag na BIRTH SIGN d’yan,
Ito ay tungkol sa mga kapanganakan —
May Libra and Gemini at may kahayupan,
Birth sign din ‘yung pag pumutok na ang tubigan!
May SIGN On and Off din sa radyo’t telebisyon,
Tulad ng lahat may simula’t katapusan,
May sinisimulan at dapat ding pigilan,
SIGN OF THE CROSS na lang kung kinakailangan!
Sa Sign Language mga kamay ang kailangan
Upang maihatid sinasabi sa bayan,
Subalit sa Pinoy isang himas lang sa t’yan,
Alam mong gutom na’t kailangang lamanan!
Sa ‘tin nga direksyon nguso lang kailangan,
Pag may tinatawag tao la’y susutsutan!
Ang “Ladies†and “Gents†alam agad na dyingilan,
“Bawal Umihi†lang ang ‘di maintindihan!
Konting ngiti’t pagyuko’t turo sa pintuan —
Ibig sabihi’y “Tuloy ka and you are welcome!â€
Pagkaway lang ng kamay ay pamamaalam,
‘Di ba’t ang dali kahit anong lahi pa ‘yan?
Sa kindat ng mata’y maraming uri ‘yan —
Pag isa lang pinikit, “papansin†o “biro lang,â€
Ngunit pag ulo at kilay ay nag-angatan,
‘Yan ay pagbati… o paghamon kahulugan!
Ang pinakamadali na maintindihan
Ay pag mga daliri sa labi hinagkan
At iyong pinalipad at may pinagbigyan,
‘Wag lang daliri sa gitna lang nakaumang!
Dirty Finger tawag o “pinapasulutan,â€
Walang sigurado kung saan pinagmulan,
Nung araw pa nga’y gamit ang buong katawan —
Dalawang siko sa likod at yuyukuan!
Subalit hindi gaano na nagtagal ‘yan,
Gitnang daliri tumayo hanggang ngayon,
Simbolo raw ng “ARI†ng kalalakihan,
O eh ano naman ang masama sa ganyan?
Kung ‘di ka nga magpipigil aba kung minsan,
Senyas na ‘yay pagmumulan pa ng patayan!
Daliri na ari? De DAL-ARI bansagan!
DALARI? Malaking bagay ba naman ‘yan?
Tinanggap kasing isang pagmumura ‘yan,
Eh kung ‘yun ngang may boses eh salita nga lang
Na ‘di naman makakasugat ng katawan,
Hindi ba tila lamang s’yang isang tuksuhan?
Sa mga puti lamang natin napulot ‘yan
At ang turo ng daliri’y paitaas lang,
Ngunit tayo nun ‘di ba n’yo natatandaan,
Galit na nakaturo mismo sa kalaban?!
Ang senyas ng kamay na talagang nagisnan,
At maaaring nagmula pang Katipunan,
Kuyom na kamao na tanda ng paglaban,
Kapag itinutok pagbabanta ang layon!
Kung si Adam and Eve ay paniniwalaan
At nang napalayas dahil sa kasalanan,
Dahil sa tukso ni Eba na kagagawan,
DALARI raw binigay sa kanya ni Adan!
***
Next week: “Horsetradamusâ€
And starting today and every Sunday at 4 p.m., Startalk na! And tonight at 8:15, Wow Mali Pa Rin on TV5.
- Latest
- Trending