‘Smile You’re on CAN-DEAD Camera!’
Kung mapipili mo lang mga panaginip;
Ang mga bungang-isip sa ating pag-idlip,
‘Yun bang parang sine — may pakita’t pasilip,
Abay ang sarap! I’m sure sleep ka nang sleep!
Kung mga panaginip ay maididikta
At mapipitas mo mga makakasama;
Maisusulat mo pa lugar ng eksena,
Abay ang ganda! No more hubad ng pajama!
Eh kaso nga regalong ‘yan sa ’ting pagtulog,
Hindi mo nga talaga maipaliwanag,
Tila ba s’ya roletang pumapaimbulog,
‘Di alam kung sa’n tatapat… lipad o hulog?
At kung minsang maganda’t biglang magising ka,
‘Di ba’t tinutulog muli nang matuloy s’ya?
Minsa’y nangyayari, kadalasa’y hindi na,
S’ya ay isang laro habang nagpapahinga.
Ubra namang “managinip nang gising†‘di ba?
Subalit, lekat, ano naman ang kwenta?
Para ka pa nung may tama at diperensya —
Nakatingala at ngumingiti mag-isa!
At sa panaginip lang pupwede talaga
Na mambabae ka katabi pa asawa!
Ngek! Pero ‘yan ay katotohanan! O, ‘di ba?
Kwidaw! ‘Wag lang magsasalita sana!
Hayyy … wala bang paraan upang maigiya
Ang panaginip para sa gustong makita?
Mga larawan sa ilalim ng unan ba
O pag-iisip bago pikit ba’y uubra?
Sinubukan nang panaginip “igayuma†—
Ginamitan na ng malamyos na musika,
Nanduong mga unan ay nilambutan pa
Ngunit ‘di tumalab! Talagang tsamba-tsamba!
Ngumit ang mainis sa kanya’y ‘di makuha
Sa dahilang kung minsan ay bibigyan ka n’ya
Ng mga pahiwatig minsa’y paalala,
At minsa’y kaalama’t magandang ideya!
Katulad ng sinabi sa isang awit ko —
Ang ‘di makita pag gising ay nandirito,
Pati sarili mong bangkay makikita mo!
Ngunit ‘wag matakot… panaginip lang ito.
At bakit ba may ilan d’yang mga nilalang
Na naiilang kapag paksa’y “kamatayan�
At ayaw magpakuha ng kanyang larawan
Na may puntod kaya’y libingan sa may background?
Pero aminin na natin katotohanan
Na kapag tanyag na tao nasa himlayan,
Lalo na’t isa pang idolong naturingan,
BUHAY NA BUHAY mga ngiti sa kodakan!
Meron pa pala akong isang katanungan —
Nananaginip pa ba mga namaalam?
Ano’ng malay n’yo at ‘di naman natin alam —
Kaluluwa nananaginip… ‘di katawan!
Selfie o hindi Ang Poet Nyo’y merong ilan —
Columbus, Michelangelo, Chagall, John Lennon,
Wala lang wacky shot pagdating sa piktyuran,
Smile lang.. you’re on CAN-DEAD camera tawag d’yan!
- Latest
- Trending