^

Entertainment

‘KUNG-FUCIUS’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Pirasong ito’y kaiba sa “NEWS-TRADAMUS”

Na ang lahat ay panghinaharap na mga news,

Ito ay mga “hypothetical” ang ayos

Kaya tatawagin natin itong KUNG-FUCIUS!

 

‘Di ba ang KUNG-FUCIUS katunog din ng confused?

Lito at ‘di malaman kung boots o high-heeled shoes!

Tuliro’t gulong-gulo kung thorn ba s’ya o rose,

Pero bibigay din sa Mi Ultimo Etchos!

 

At dahil nag-click ang “My Husband’s Lover” na rin

At dumarami na rin sa showbiz ang bading,

Bakit ‘di ‘yang isyung ‘yan ang ating salingin —

What if KUNG “Bad Men” today mga naging bading?!

 

Merong closet queen o tago o mga pa-mhin,

Matigas, matipuno subalit mahinhin,

At kung gustong makita subukang gulatin,

After the reaction, titili ka ri’ng… CONFIRMED!

 

Muling bumubusinang ‘toy katuwaan lang,

Lahat nama’y may natatagong pagka-“kuwan”,

Alam n’yo na’t baka inyong nalilimutan

Na si Eba ay kinuha sa ating tadyang!

 

Subalit sa tingin ko ang unang nilalang

Na ginawa ni Boss ay talagang “two-in-one”

Tulad ng talaba na ubra kahit saan

Kung kaya nga daw sa Ingles ay “OY…  SISTER” ‘yan!

 

D’yos ko ano ba ‘yan at nagkakabistuhan!

‘Wag n’yo namang sabihin na kahit na minsan

Sa buong buhay ninyo ay ‘di nagandahan

Sa isa ring lalaki na nagdaraan!

 

Dapat nga yata ang tamang ipinangalan

Ay ADAM and RIB sa ating unang magulang,

Kung kaya nga kung tadyang ang pagbabasehan,

Ang babae ay nasa atin ngang katawan!

 

Kaya gentlemen ‘wag na ‘wag magugulantang

Kung biglang kumekendeng bewang at balakang

O mga daliri’y biglang nagtitikwasan,

Oks at normal lang ‘yan, may kapaliwanagan.

 

At alam n’yo ba na kahit saang larangan,

Lalo sa showbiz, kung wala ang kabadingan,

Sa totoo man s’ya o gawa-gawa lamang,

Hindi gaano ang saya’t kaligayahan?

 

At dahil wala nga tayong kinikilingan,

Eh ‘di una na Ang Poet N’yo at si Starzan!

Kung ako’y naging gay program ko’y papalitan —

“Wow…Mali!” gagawin kong “WOW… MALE!” Ayyy pogi come!

 

Sa DZMM “GAY” ay Gerry Anthony ‘Yan!

Eh di “translating transvestites” the two will become!

At mase-sex change na rin titulo ng program,

“DOS POR DOS KO ‘DAY!” kanilang palatuntunan!

 

At si Bossing sa federacion naki-join din!

No more make love but MAKE OVER na lang si Pauleen!

“Who Wants To Be… Beautiful?” na bago n’yang asking!

But most shocking, may GAY-VERNMENT na tayo aching!

 

Si P-Noy ay biglang nagkaroon ng First Boyfriend!

And for the first time, Black Beauty na Vice President!

At ang meaning ng PDAF magiging different —

Papa’s Datung for Abs Formation! Passed! It’s urgent!

 

The President’s Cabinet tatawaging CLOSET!

At lahat ng sessions sa GYM gagawin you bet!

Kahit tao’y mag-People Power pa’t magalit,

BOYS TOWN ang pinakamalaki ang budget! Ngek!

 

 Ang irapan ay tuloy-tuloy pa rin of course

Between BEKI PATROL at BEKI KWATRO ORAS!

At eto matindi mula sa Kafatid News —

Ang Tulfo Brothers… Barretto Sisters na! Asus!

 

Ang mga news programs may mga bading lahat,

Si Arnold BACLAVIO at may isa pang Ka-Heart,

Si Mama Mike, “Excuse me PO… GI!” sabay dahak!

And how true Ser Chief has “Please Be Careful It Might Hurt”!?

 

Ngak! At kung nais ma-hurt ang inyong mga t’yan

Dahil sa katatawa ay inyong tunghayan

Tonight… “Wow Mali Pa Rin!” ladies and gentlemen

And especially the members of the federation!

 

Subalit bading bakit ba binabansagan

Na “SIRENA” ngayon? Dahil ba half and half lang?

O dahil maraming tago ang kabaklaan

At kinakailangan pang kaliskisan?

 

Sa Eat, Bulaga tawag namin ay SIREYNA,

Isang SIR at gustong maging Reyna ng Bruha!

May buntot din at kung minsa’y mas malaki pa!

Ngunit kumikislap at ginagawang palda!

 

Sa showbiz ay maraming klase ng sirena —

Merong sirenang tago o ‘yung “de lata” pa

Tulad ng ibang chefs o mga KUSIRENA,

Si Boy Abunda ay BUZZIRENA… Ikaw na!

 

Mermaid in the Philippines tawag sa kanila

Kung kaya naging “syoki” ang tawag na iba

Dahil “syokoy” ang lalaking isda hindi ba?

Lalaking isda ba? Akala ko FISHBALLS s’ya!

ABS FORMATION

ANG POET N

BAD MEN

BARRETTO SISTERS

BRVBAR

DAHIL

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with