‘OCTOBERDEY BOYS’
Medyo may pagyayabang ang pirasong ito
Dala ng katuwaan tataas lang ulo,
Pagkat buwan ng Oktubre birthday lingkod n’yo
At ka-birthday month ko rin lahat ng idols ko!
At ilan sa inyo ang may kasong ganito?
Ka-birthday month din mga hinahangaan n’yo,
Kaya buong pagmamalaki’t ligaya ko
Na ibahagi sila sa inyo’t ikwento.
October 2… from the Marx Brothers, The Great GROUCHO!
Kapatid ni Chico, Harpo, Gummo at Zeppo,
Isa sa da bes sa panahong makabago,
Sa komedya’y mabilis sa sundot at salo.
Ang salaming makapal at itim ang kwadro
At may malagong kilay at bigote dito,
“Beaglepuss†din ang tawag sa pakwelang ito
At ‘yan ang sikat na tatak nitong si Groucho!
October 9… from the Beatles, JOHN WINSTON LENNON!
Parehong ten letters gamit naming pangalan,
J-O sa umpisa at O-N sa hulihan,
Wala lang nagalit sa ‘king Mark David Chapman!
Mga grupo namin ay parehong merong “EATâ€,
BEATLE s’ya, EAT-TLE ako… please lang walang nge-ngek!
Same-same lang kaming “nasisiraan ng bait,â€
Mapaglaro’t malikot din minsan ang isip.
Si John at Groucho magkaiba man ng mundo
At nasa kabilang buhay na mga ito,
Akalain ba’t maniniwala ba kayo,
Ginamit silang pambura ng Komunismo!?
Mga lugar kasi na dating sakop ng Russia
Na ngayon ay Republika ng ABKHAZIA,
Upang Vladimir LENIN at Karl MARX mabura,
Naglabas ng selyo — John LENNON — Groucho MARX na!
At pinagmamalaki rin ng Ang Poet N’yo,
Ehem, na isa sa mga araw na ito,
Mapapasakamay ko apat na piraso
Ng pambihirang selyo ng mga idols ko!
October 23… And now… the legendary
King for thirty years of late-night TV… Heeeere’s… Johnny!
Si JOHN WILLIAM CARSON, idol din ng marami —
Lahat ng gustong magpatawa gabi-gabi!
October 25… Viva PABLO PICASSO!
Numero Uno sa pagpintang makabago,
Ang isa sa nagpasimuno ng Kubismo,
At tulad ng obra n’ya tila s’yay ‘DI TAO!
Ang galing kasi nitong si Pablo talaga,
Para bang nagmula pa sa ibang planeta,
Biro mo sa isang anggulo lang ay kita
Sabay-sabay ang batok, ilong, likod, mata!
Eto lang naman ang ibang mga Oktubre —
Ralph Lauren, Bill Gates, Bud Abbott, Mahatma Gandhi,
Sir Cliff Richard, Simon Cowell, Bruno Mars, Pele,
Weird Al Yankovic, Sacha Baron Cohen, Ang Lee.
Mabuhay! Mabuhay ang mga Oktubero!
But wait lang, parang tunog “Okey na TUBEROâ€â€¦
Tubero? Tubo? TUBE? Eh swak sa four idols ko!
‘Di ba may TUBO pintura, TV and Radio?!
But wait again, napansin lang sa four heroes ko —
Hmmm… meron nga bang kasabihan na ganito —
Na “Behind every man’s success ARE women†daw po?
Minimum kasing naging misis nila’y TATLO!
Three ba ‘kanyo? So for the third time, wait na naman!
Eh ‘di na naman nila siguro kasalanan
Sapagkat ano ba katunog ng “minimum�
Naturalmente “maraming mommy†— MANY MOM!
MOM nga pala pag mga letra’y pinasirko,
Mababasa’y WOW… siguro ay alam na n’yo
Na t’wing alas otso ng gabi tuwing Linggo,
“Wow Mali Pa Rin!†sa Singko kasama ‘ko!
- Latest
- Trending