^

Entertainment

‘King Crab Mentality’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Madalas sinasabing ang salitang LAKBAY,

Korek, TRAVEL, ay pinagsamang LAKLAK at BUY!

Eating and shopping naman talaga ang tunay

Na sa lakad nagbibigay buhay at saysay.

 

Kasama na rin sa “break sa hirap ng buhay”

Mga dagdag kaalamang maibibigay

At ang “kaluluwa’t halimuyak” na taglay —

Pagsasama n’yo ng mga mahal sa buhay.

 

Naks, ang drama ha, pwede namang DIWA na lang,

And with that, hindi nga kaya ‘yang “bonding” na ‘yan

Eh “pabandying-bandying” lang sa katotohanan

Dahil paglapag kanya-kanya nang lakaran!

 

At hindi na rin yata uso sa piktyuran

Ang grupo at ang “Ready… one, two, three” na bilang

Dahil may “selfie” na ngayong pinagtritripan,

Kung buhay si Ninoy “mag-iisa” na rin ‘yan!

 

Subalit ang shopping maaaring tigilan,

‘Di katulad ng eating na magpakailanman,

Mga lumang damit nga kwela pa kung minsan,

Pero mga lumang pagkain?Panis na ‘yan

 

Ngunit nung naglakbay kami sa Jeju Island

Doon sa South Korea kamakailan lang,

Nag-buy kami ng laklak galing karagatan,

Ang halaga lang naman: Three hundred thousand won!

 

Won ay pera ng Koreano at katumbas n’on

Ay mga three hundred dollars na American,

Mura pa nga ‘yon dahil kinain mo doon,

Ang matindi nga lang — isang piraso lang ‘yon!

 

Isang higanteng talangka, ngek! Op kors joke lang,

Korean King Krab o K.K.K., Katipunan?

Pero pag hinain na sa iyong harapan,

T’yak sisigaw ka ng, “Sugod mga kalafang!”

 

Kung sa pesos isang piraso’y thirteen thousand,

Kung tutuusin hindi naman kamahalan

Dahil dun tsinibog, ba’t ‘di dito subukan

At fifty thousand pesos humigit kumulang!

 

Makailang ulit ko na ring sinubukan

Sa Solaire sa Yakumi Japanese Restaurant,

Tandang-tanda ko pa nung kauna-unahan,

Ang yabang ko pa… order ko’y  isang paa lang!

 

Namamahalan? Wala kayong karapatan

Dahil no catch n’yan dito sa ‘ting karagatan,

Kung gusto ng mura inyo na lang puntahan,

Catch a flight at magtungo sa Hokkaido, Japan!

 

Ngunit ang sarap ay hindi mapapantayan,

Ang katas nga lang n’ya ay ubra mo nang ulam!

Kahit ano’ng luto, grilled o pinausukan,

Ang isang piraso walong tao kaya n’yan!

 

Sorry Alaska ‘di kayo ang King sa lasa,

Kailangan  n’yo pa ngang isawsaw sa iba,

Korean and Japanese it’s a tie talaga

At kahit isang paa lang t’yak kamayan na!

 

“Remember M, Remember E” kulang na yata,

Dagdagan ng N and U nang buhay humaba,

Because we will all eat hanggat nakangangata

And remember this — if you do not eat… bulagta!

 

Ituloy na lang natin next week ang kwentuhan,

Basta’t sa paglaklak ‘wag kayong magtipiran

At hanggang WOW sa panlasa walang MALI d’yan,

Uy, tonight at eight “WOW MALI PA RIN” na naman!

DAHIL

JEJU ISLAND

KOREAN AND JAPANESE

KOREAN KING KRAB

LANG

N AND U

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with