‘Are you talking to you?’
Usapang “USAP†tayo… Q & A na ako —
Sino pinakamaganda kausap? God mo.
Sino pinakamasarap kausap? Crush mo.
Sino pinakamahirap kausap? De… YOU!
Pero totoo, pag nagsalamin na tao,
Ang nasa isip na n’ya ay kung ano-ano,
Kinakausap na rin ang sarili nito,
Kung kaya nga may “matang nangungusap,†gets n’yo?
U-S-A-P — “U†Salita Ako Pakinig,
And vice versa… hindi lang dalawang bibig
O isang tinig lang at isa lang kakabig,
Tenga’y mahalaga nang usapa’y lumawig.
‘Di n’yo lang aaminin o ‘di n’yo lang pansin,
Ating sarili ang unang kalaro natin,
Hanggang nga pagtanda kausap ang salamin,
Alam nga n’yang lahat ang ating mga lihim.
‘Yan ang katotohanan nag-uusap kayo,
Madalas tanong mo, “Maganda na ba ako?â€
‘Di na kailangang ibuka bibig nito,
Ibubuka lang pag lipstick na ang gamit mo!
Naaalala ba n’yo si Robert De Niro?
Kaharap ang salamin at nag-eensayo,
“Are you talking to me?†Ngayon naman tanong ko,
“Hey Taxi Driver, Bobby, are you talking to you?!â€
Ngunit ano kaya kung hindi lang ang tao
Ang nakapagsasalita sa ating mundo?
Makakausap natin kahit paru-paro,
Wala nang malungkot na tao palagay ko.
Mababawasan na ang mga magtatampo
Sa sigaw na, “Maghanap ka ng kausap mo!â€
Dadami paksa at kaalaman ng tao,
Marami ring mabubuksang mga sikreto.
Subalit hindi kaya umingay ang mundo?
He, he, he… kayo, sino kakausapin n’yo?
Ako? Mga bulaklak kakausapin ko
Sapagkat siguradong hininga’y mabango!
May tanong ako sa rosas pagkat nais ko
Malaman kung bakit bango ay ‘di gaano
Gayong sa ganda n’ya ay wala nang tatalo,
Sagot n’ya sa palagay ko, “Walang perpekto!â€
Aalamin ko rin kung ano ang mas gusto
Ng bulaklak, bubuyog ba o paru-paro?
Palagay ko’y bubuyog pagkat ito’y macho,
May “buyog†kumbaga’t lalaking-lalaki ‘to!
Nanunusok, naninimsim, panay pa bulong,
Romantic, sobra public display of affection,
Paru-paro sa ganda nangungumpitisyon
At tila ba a member of the federation!
Maganda ring makitang kausap ng aso
At nagtatawanan sila ng kanyang amo,
Subalit ang tiyak na matatawa ako —
Makitang nag-uusap ang adik at bato!
Wow! At isang adik pang kausap ay damo!
Ngek! At t’yak akong mas malakas ang pag-ngek ko
Kung makita isang grupo ng mga loro
Na kinukulit tatong agila ni Pedro!
At sa Eat, Bulaga pwede nang ma-interview
Mga hayop, gulay at prutas na gusto n’yo
At malaman kung alin mas magaling dito
Sa pagsagot at paghula sa Pinoy Henyo!
Kaya lang pag nag-usap magiging close tayo,
Baka lang pagtagal makonsensya na tao
Sa baboy at manok; sa okra at repolyo
‘Di na sila makain, gutom naman tayo!
Busog naman sa kaibang usapan kaya,
Napakaraming tanong na nakakatuwa —
Ang sili kaya ay maanghang magsalita
At makikipag-usap ba ang makahiya?
Nakaka-excite parang gusto mong kumanta,
Teka, maganda kaya ang tinig ng luya?
Hmmm… usapang ito’y atin munang isara
At tao-tao at tayo-tayo na muna.
* * *
Happy birthday to my three Septuagenarians, ngek! Este Septemberians — Eileen, Jocas and Cheenee. Pasensya na sa mali kasi tonight eh Wow Mali Pa Rin na naman. That’s at 8 on TV5.
- Latest
- Trending