‘GAT ni Rizal – Go And Travel!’

“We travel not to escape life, but for life not to escape us.”

Nabasa ko sa Facebook sa anak kong si Jocas,

Tama nga rin naman dalasan na ang paglayas

Bago pa ang buhay mo sa iyo ay tumakas!

 

Totoo ngang Maykapal ang nagbigay ng buhay,

Ngunit ang  nais mo talagang “buhay na tunay”

Ikaw rin ang gagawa at nasa iyong kamay

Mabawasan o madagdagan ito ng kulay.

 

Mabanggit ko lang muli, “A good life is expensive,

There is something cheaper, but it is not life.” I BELIEVE.

Narinig ko sa Tatay ko na aking dinibdib,

Kaya eto ‘ko basta “good life” ‘di nagtitipid!

 

Subalit totoo lang ito sa isang bagay,

Hindi naman sa mahal na kotse nakasakay

At hindi naman mala-palasyo  aking bahay,

Basta eroplano’t barko lang bahay at sakay!

 

Sa paglalakbay lamang po nagpapakasasa,

Waring sa buhay ko ito’y balon ng ligaya,

Airport ang gym ko, pasaporte din ay Bibliya,

Sa botox at sa stem cell ito’y mas mabisa pa!

 

“Once you live, you will live only once.” Ngek, Meron ba nun?

Totoo ring nabubuhay tayo sa quotation,

At sa pagkakaalam ko’y may kamahalan ‘yon

Dahil pag may bidding hihingi ka ng quotation!

Ngek uli!  Sundot muna ‘yon from Joey de Leon

Para maghatid ng saya naman sa discussion,

Gets n’yo? SUNDO’T HATID? Para bang may nagbakasyon,

Nakita n’yo naman, it’s a one-two combination!

 

Comic relief — ‘yan ang papel ng trip… pa-condition,

He, he, he…nag-break lang po katulad ng opinion

Natin sa “good life” na dapat maraming vacation,

“A good life is full of room service.” Say ni Mel Gibson.

 

Mga letra ng “good life” nga kapag nirambol mo

Ay “Gawin mo ang buhay…Layas!” — “DO LIFE…GO!”

‘Yan namang “good life” ang diskarte ay nasa iyo,

Para lang ‘yang lucky nine, good din naman ang ocho.

 

Kanya-kanya tayong trip, walang pakialaman,

Merong ang buhay mamahaling mga sasakyan,

Merong amoy katad na dahil sa Louis Vuitton

At ako nga ang trip ko’y mag-trip nang mag-trip! ‘Yun ‘yon!

 

Ang mahirap ay ‘yung wala kang pinagtritripan,

O kung meron man ay isang taong napadaan

At pagmumukha n’ya ‘di mo nakursunadahan

Kung kaya pinagtripan at iyong inupakan!

 

Ngak na naman!  Pero ‘yang “good life” upang makamtan,

Kailangan good boy ka rin at magpagod ka lang,

Pawis, dugo, luha at sipon ang susi din d’yan,

Sipag at Ipon: in short, SIPON! Right combination!

 

Nasabi ko na nun na LAKBAY ay “laklak at buy,”

At damay na rin sa kanya ang maraming bagay,

At sa tuwing umaalis pakiramdam ko ba’y

Isinisilang muli’t laya’y pinagtitibay.

 

Sa sinabi ni Gat Rizal, na isa ring gala,

Tungkol sa ‘di pagmamahal sa sariling wika,

Higit daw sa isang hayop at malansang isda,

May ibang pakahulugan akong nahalata.

 

Ang “hindi magmahal” ay ang pag-iwan din kaya?

“Sa sariling wika”— pagpunta sa ibang bansa?

Magiging isang hayop at ibon ang aking hula,

O kaya’y ang tumatawid ng dagat na isda!

 

Kadalasan ang tao kapag tinatanong mo

Kung magiging hayop s’ya pipiliin n’yay ano?

‘Di ba’t ibon o isda malamang sagot nito?

KALAYAAN at KALAYUAN sila’y simbolo!

 

Kaya sa sinabi ni Rizal pabiro ito,

Pagkat tinatamaan ay sarili n’ya mismo,

Isang taong lagalag, lengwahe’y mucho-mucho,

Hanggang sa “ultimo” nga uma-“adios” pa si Joe!

Show comments