‘Me in the middle of comedy’

Ako na yata ang taong ‘di nagpapahinga

Sa paghahanap ng mga nakakatawa,

Puna, isip, basa, aral, pasa, sulat na

Agad-agad at baka makalimutan pa.

 

Ang aking pampatulog ay hanap-patawa,

Isip ay pinapagod sa kasiya-siya,

Maaaring nahihimbing nang nakatawa

At madalas paggising ay merong baon na.

 

‘Yan ang araw-araw ko, buhay ko talaga

Mula kuna hanggang kama na la’y komedya,

Sapul pagkabata sa abot alaala,

Hanap lagi ay ngiti, saya, tuwa… TAWA!

 

At kapag natulala ‘yan lang ang pahinga,

Malamang dahil sa naisip na maganda,

Kaya kapag seryoso mo akong nakita,

Siguradong iniisip ay nakakatawa!

 

Komedya ay isang bagay tila paninda —

Pwedeng ‘di mabili at pwede ring mabenta,

At may komedya ring ang alok na ay mura —

Eto ‘yung dinaraan na sa pagmumura!

 

Ngunit sa totoo lang ‘di makakaila,

Mga birong “medyo bastos” ay nilalapa,

Kasama na pagmumura pati pagsumpa,

Lalo sa mga palabas sa ibang bansa.

 

Komedya’y tulad din ng paglaki ng bata —

Ating inaabangan ang pagsasalita

At paglalaro na ating kinatutuwa,

Una’t simpleng komedya’y LARO NG SALITA.

 

Kaya inyong lingkod, Ang Poet n’yong makata,

Kung magbasa ng salita, kanan-kaliwa

Sa pag-asang makadiskubre ng “asiwa” —

Mga nakakatawang mapapa-“OO NGA!”

 

Tulad kapag binasa OBESE pakaliwa…

E SEBO lalabas! ‘Di ba nakakamangha?

STAY UP ay PUYATS… stretch marks bakit ba sa t’yan nga?

Eh kasi nga KAMOTS ay STOMAK! Bulaga!

 

TOTOO – OOTOT  sinasabi pag may duda,

Ang Papa sa Roma ay taga-Argentina,

Medyo magulo dahil buhok ay puti na

Eh kasi nga ARGENTINA ay ANIT NEGRA!

 

At ako sa ganyan ay masyadong mat’yaga,

Nais ko palagi ako ay nasa gitna

Ng dagat ng patawa at ‘yun na nga kaya

“ME in the middle of coMEdy” ang title nga!

 

At wala na pong balak dito’y umahon pa,

Malabo kang malunod sa dagat ng saya

At siguradong lulutang at lilipad ka

Dahil sa hangin sa t’yan mo katatawa!

 

At kung sa t’yan mo ay magkakaproblema,

Tawagan si St. Eliot pag nasa kubeta,

You don’t have to pray… baligtarin lang ang basa

Sapagkat ST. ELIOT ay TOILETS! O, ayos ba?

I have two ways of reading — to the right… to the left,

Sometimes the two magka-konek o magkagalit,

‘Di ba nga’t ang batang KIMI ay walang IMIK?

At madalas naka-TIBAK ang mga KABIT!

 

KAPKAP-PAKPAK, pag na-search taas kamay like wings,

Kung minsan magka-kontra’t minsan magka-meaning,

Like REAL, if you read in reverse, sounds sinungaling!

O’di ba LAER katunog ng LIAR darling?

 

Masama bang maging MANIAC? Well, ating tingnan —

Sa pag-aanalisa ko ay hindi naman…

Sapagkat kung babasahing pabaliktad, hmmm…

Ang labas ay CAINAM… O parang KAY INAM!

 

At kapag binaliktad salitang PALAKPAK,

O hindi ba KAPKALAP? Tunog ding CLAP, CLAP, CLAP!

Pero nakakatawa sa akin sa lahat —

Ang word na FUNERAL nag-i-start sa FUN! Ngak!

 

Bakit magkabaligtaran dalawang ito —

LANGIS at SIGNAL — ano sa palagay ninyo?

‘Wag n’yo nang pilitin at sirit na lang kayo,

Pagkat isa’y may BAGUIO OIL, isa’y sa BAGYO!

 

‘Di ba nga’t we make T_ _ pag maraming na-EAT?

Pa’no kakanin PISPIS ng fish? Eh di SIPSIP!

At mag-PEELS ka kung nahihirapan kang mag-SLEEP!

Ngek! Akalain n’yo ‘yan pa’y aking naisip!

 

Dami na nating TAWA kaya AWAT muna

Sa word playing natin at meron na lang isa —

LARO at SALITA may konek ba talaga?

Eh kasi nga ang LARO mismo ay ORAL na!

Show comments