Nung umisplit na kami ng Split sa Croatia
At sa Dubrovnik sa Hrvatska din nagpunta,
In short, our stay in Split ends! (Sinadya talaga)
At habang papalayo ako’y may napuna —
Split ay may pagkakahawig aking na-notice
Sa dating at hitsura sa Nice at sa Venice,
Bakit ba pag may NICE parang patok sa tourists?
Dapat siguro gawin tayong PILIPINICE!
Kaya lang bigla ring interest ko’y nag-vanish,
Mahirap ding padalos-dalos at mabilis
Kasi pag nag-nickname na meron s’yang kawangis,
Kung ngayon ay Pinas… Pilipinice ay PINICE?!
Finish! Ngek! Parang katunog pa’y alam na n’yo
Kaya erase na lang at kalimutan na ‘to,
At sa tanong kung nami-miss ang Dabarkads ko,
No naman dahil laging tsibog ko’y risotto!
No rice, no dice! And if you have plans to come here guys
At Asian food like Chinese and Japanese ang vice,
Well, there’s one yata but laging closed pa! Not nice!
Ano mga darling, do you still need my advice?
But wait, don’t MURS! Magmura ang ibig sabihin,
Kung seafoods naman ang pag-uusapan natin,
Naku po, mapapasubo kayo and I mean
MAPAPASUBO talaga’t laging kakain!
‘Di lang seafood kundi seafiesta at sea people,
Lalo this summer, Croatia — a big swimming pool!
Adriatic Sea ba naman at asul na asul,
Maraming naka-shorts at bikini! View-tiful!
Pero hayup na Adriatic Sea blue but yellow!
Asul nga pero ang lamig parang may yelo!
But in all my trips the best ‘sang print sa T-shirt ko —
“There is NO Hard Rock Café in Dubrovnik!†Ho, ho!
Hrvatska and Croatia nga pala’y iisa,
Pang-international name n’ya lang ang Croatia,
At para bang wala lang salamat nila,
Bakit? Kasi ang “Thank you†nila duo’y HVALA!
Ang “H-V†ay “W†pag ‘yan ay na-mention,
At “molim†ang sagot nila which means “You’re welcome!â€
At kung maniniwala kayo sa connection,
Sa ‘tin nga sa “Thank you†minsan we say, “WALA ‘YON!â€
Do you know na ang pamporma nating kurbata
Ay ipinanganak dito sa may Croatia?
Croat naging cravat… naging kurbat? Ah, basta!
Not “It’s a boy!†but “It’s a TIE!†nasabi nila!
Pinanganak eh! At s’yempre merong ka-terno,
Shirt and tie? Kurbata at polo? Ano ito?
He, he, he… I’m sure magugulat kayo dito —
Kasi dito rin umuha si Marco Polo!
Now, bakit Croatia at Ireland nag-viajero?
Ito kasing mga anak ko’y lokong-loko
Sa Game of Thrones na isang top-rating TV show
At maraming eksena dun kinunan dito.
Sumama ako dahil meron akong offer
Sa TV rin mala-Game of Thrones ang caliber,
Ang title: “Gays and Trans,†‘yung “Trans†short for Transgenders
And the show is better known ay My Husband’s Lover!