‘Split na ’ko and welcome to me!’

Umisplit nga pala muna ‘ko six days ago

At sa Split pumunta ang lingkod n’yo,

Ano, medyo naguguluhan ‘kanyo kayo?

Split to Split? He, he … sa Croatia nga pala ‘to!

Dobar Dan!  Hello! At eto pa rin sa viaje,

Pero sa trip na ‘to, marami nang “He, he, he” —

Nung nasa Split kami dun ko lamang nasabi,

“Hey everybody, Split na ’ko and welcome to me!”

 

Bakit nga ba “split” ang tawag pag aalis na?

Eh ‘yan din ang tawag pag paa’y ibubuka,

Split mag-asawa? Ibang kaso naman s’ya —

Mga paa naman dun laging nakasara!

 

Ngek! O ano, ‘yung kalokohan ko gets n’yo ba?

Ang ibig sabihin din nun wala na sila

At eksakto naman dun nga kami pumunta —

“I will let YU GO Sige and I don’t LAVIA na!”

 

Korekek! Ang Split ay sa dating Yugoslavia

Na ngayon na nga ay nagka-isplit-isplit na! —

Slovenia, Macedonia, Kosovo, Serbia,

Montenegro, Bosnia-Herzegovina, Croatia.

 

Ngayon kami ay nasa DUBROVNIK, Croatia,

Mamaya sa MEDJUGORJE naman pupunta,

At bukas sa IRELAND na “medya-medya”,

Bakit? Eh dalawa visa… dalawa pera!

 

Sa Republic of Ireland ay EURO ang gasta,

 Sa United Kingdom ay hindi s’ya kasama,

At sa Northern Ireland dito ay gagaan ka

Pagkat mawawala sa ‘yo ay POUNDS talaga!

 

Umisplit din sa Split at nasa Dubrovnik na,

Bago pa nga sa Split nanggaling London pa,

Then fly uli’t aalis na… a-IRISH pala

Dahil sa Dublin and Belfast naman pupunta.

 

Kasi naman itong mga anakonda ko

Sa Game of Thrones ang pagtutok ay todo-todo

Kasi kinunan maraming eksena dito

Sa putok na HBO show… PUTOK? It’s B.O.!

 

Ngek! Eh kami kaya ni Eileen pa’no na?

Anak ng tupa! Magbilang kaya ng tupa?

Sleep, rest and kaon na lang natitira muna …

Sleep, rest, kaon? Ayun! LEPRECHAUN pa nga pala!

 

Sa National Leprechaun Museum pupunta,

Ang Louvre of Leprechauns para naman maiba,

At kung may Split sa trip aba eh merong KNOCK pa,

Tulad sa Medjugorje, sa Knock magsisimba!

 

Naks naman, sa Knock, Ireland pa ba magmimisa?

Op kors! I-search n’yo na lang kung ano meron s’ya,

Kasi Lourdes, Fatima, Montserrat nakita na,

Kinukumpleto ko nakikita n’yo na ba?

 

Medyo naughty lang pero FAITH ko’y walang duda

At maraming dapat ipag-Thank You talaga,

Una na d’yan ang Eat Bulaga ng Barkada,

In two days, on July 30… 34 na s’ya!

 

At narito pa ang isang napakaganda —

Sa Knock ay nagmilagro ang Birheng Maria

At dito lang ang tanging meron S’yang Kasama —

Si San Jose at San Juan din ay nagpakita!

 

1879 nang masaksihan sila,

Ang tanging aparisyon na Tatlong Persona,

Patawarin ako’t ito lang ay napuna —

After one hundred years, “EAT” naman ang nakita!

 

Panginoon, ipagpaumanhin talaga

Subalit may tatlong nilalang ding kasama —

‘Di nga mga banal ngunit mabait sila

At T-V-J din ang mga initials nila!

 

‘Wag namang ikagugulat ng iba nawa

At manunulat na ito ay ‘wag isumpa

Pagkat initials Nila sa ami’y kamukha —

The Baptist, Virgin Mary and Joseph, ‘di ba nga?!

Show comments