^

Entertainment

‘Jocas Eightria’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Ang anak kong si Jocas Eightria ay kaiba,

‘Wag naman sanang magtampo anak kong iba,

Sa tunay, away-bati namin ang dami na

At tahimik na engkwentro naming dalawa.

 

Sa mga biro ko ang dali n’yang tumawa,

Sa lantarang halakhak bigay na bigay s’ya,

Ngunit iba na kapag noo’y kumunot na,

Ito yata ang sa ugali ko’y kumuha!

 

Iba si Jocas hindi ko maintindihan,

O… iba ako? Katapat lang natagpuan?

S’ya lamang ang tanging kapag ako’y nasuklam,

Wala lang sa kanya… wala s’yang pakialam!

 

Tandang-tanda ko pa nung s’yay paslit pa lamang,

Mga four years old at nasa Kindergarten One,

Umuwing may sugat sa noo at duguan,

Ayun, parang wala lang! Walang pakialam!

 

Sabi ng yaya baba agad ng sasakyan,

Ako pa nga nagbukas ng aming pintuan

At nandun s’yat nakatayo’t nakatingin lang,

Tumutulo ang dugo… walang pakialam!

 

Ako pa nga ang labis na pinanghinaan

Subalit ang bata ginawa’y nagkwento lang—

Naglalaro daw s’ya at swing tinamaan!

“Only cried,” nang sa anaesthesia mabahuan!

 

Mga pangalan ng anak ko trese letra,

Pataas at pababa una’t pangalawa,

Kay Jocas LIMA at WALO ang nakatoka,

1983 pa kaya Jocas Eightria!

 

Limang silabo lahat ang pangalan nila,

S’ya bale nasa gitna sa anak kong lima,

S’ya ang gitna at dahil ako’y isang Libra,

Hmmm… kaya siguro naninimbang sa kanya!

 

Sa mga paglalalakbay s’ya punong-abala

Sa mga papasyalan at saan e-enka,

At mga most expensive ang gusto s’yempre pa,

D’yan magkasundo kami basta’t laklakan na!

 

Ako nga kadalasan ay may ugali pa,

Pag ‘di maintindihan nasa menu-densya,

Point na lang sa pinakamahal ang halaga,

Wala akong pakialam! Ngek! Like my daughtah?!

 

Siguro  s’yay ako… at ako naman s’ya,

Many similarities kay Eileen na puna,

“Magnanakaw galit sa magnanakaw?” — True ba?

Madali rin mawala galit ko sa kanya.

 

Nakow! Maraming kwento, eto na lang isa —

Nangyari ito mga dalawang linggo na

Nang sa Paris at Londres s’yay binisita

At para makapanood na rin kay Barbra.

 

Bago huling araw namin s’ya ay nagyaya

Sa isang tanghalian s’ya daw ang bahala,

The Hinds Head ang pangalan kung saan chichicha

At malapit lang daw s’yempre ako’y natuwa.

 

At kami ay nag-tube ‘yun tren nila sa lungga,

Ako’y kinabahan na nang kami’y bumaba,

Bakit? Sa isang totoong train station na nga

At probinsya na pala kung saan ngunguya!

 

Ngek! Ayan na’t sumama na ang aking timpla,

Ang bilis pa n’yang maglakad at nauuna,

Ako nama’y pagod na at ‘di na bata pa,

Sa totoo lang pabulong nang nagmumura!

 

Naturalmente ako na la’y nagpasensya,

Maaapektuhan lahat pati na gana,

Biglang palit ng timpla ko ay kitang-kita,

Anak ko? Ayun, walang pakialam lang s’ya!

 

Nang kami ay magsimulang kumain na,

May babaing pumasok naka-Hermes bag s’ya,

Maraming kasama magulo at masaya,

Nandung maipit pagpanhik sa hagdan nila.

 

Makitid lang kasi sa second floor papunta,

Nandung sumabit bag ng babaing maganda,

Sa pader ng hagdan minsan kumakayod pa,

Pero sige la’t waring ‘di n’ya alintana.

 

Anak kong dalaga tinitingnan pala s’ya

At nangiti na lang ako sa kanyang puna —

“’Yan ang sosyal! Kahit magasgas ang Hermes n’ya,

Wala s’yang pakialam! That’s what I call class, Da!”

 

AKO

ANAK

AYUN

HINDS HEAD

JOCAS

JOCAS EIGHTRIA

LANG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with