Masama ba kung ako ay may makilala
At pagiging stewardess ang pangarap n’ya
At walang pagkukunwaring sabihin ko na
Sana nga isang araw ay masakyan ko s’ya?
At masama rin ba mag-apply ng trabaho
Sa isang maganda’t napakaseksing amo
And if she’d ask anong pwesto’t maging sagot ko,
“Whatever position makapasok lang sa ‘yo!�
Kung ganon eh di masama na rin siguro
‘Yung nangyari sa akin a long, long time ago
Nang may isang sosyalerang nakilala ko,
Salita’y puro “Mc Do, Makati Av, San Lo.â€
‘Yun bang sino-short cut ang sinasabi nito
Kasi nga sa kabataan nun ‘yan ang uso,
May Kamameshi pa nu’t niyaya ko ito
At ang sabi ko, “Gusto mo mag-Kama tayo?â€
Bakit ba eh nakikiuso lang ang tao!
Kaya ayun si short cut girl na-short time ako,
Ano bang malay ko’t walang sense of humor ‘to?
Pasalamat s’yat sa Kamagong ang tambay ko!
Oldies na ngayon ‘yut malamang nasa Bora,
Teka’t sagutin n’yo ‘ko… ano, masama ba?
Eh ngayon nga sa texting mas sino-short cut pa —
SX U 2NYT — “Ang sexy mo tonight†lang pala!
At masama rin ba kung ako’y makipagsosyo
Sa isang babae na kamote ang gusto,
O ‘yung tinatawag din minsang sweet potato,
At balut at eggs naman negosyong nais ko?
Masama rin ba kung tinda naming pareho
Ay mga “pampaanoâ€â€¦ I’m sure alam na n’yo,
At sa palengke ay magtabi pa ng pwesto
At tawagin itong “KAMOTE MO, ITLOG KO�
At masama rin ba kung Tatagalugin ko
Itong “rice toppings†na gusto ko ring negosyo
Upang maging Pinoy na Pinoy ang istilo
At gawing “KANIN AT IBABAWAN†titulo?
At masama rin ba kung ako’y magkumento
Patungkol sa kalusugan ng isang tao
Lalo na’t obesity na rito ang isyu
At sabihin ko sa iyong “FAT ANG INA MO!�
Hoy mga masisiba mag-iingat kayo
Lalo mga bata ‘wag matakaw masyado,
Sa sasabihin ko t’yak kayo ay sisirko —
Do you know ang baliktad ng OBESE… E SEBO?!
And finally, pork o baboy ba’y bad talaga?
Sa isang ito ako ay may pagdududa
Dahil ang baboy… baboy buong katawan n’ya
Pero wala naman silang pinoproblema!