^

Entertainment

‘Baliktad Ng OBESE E SEBO’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Masama ba kung ako ay may makilala

At pagiging stewardess ang pangarap n’ya

At walang pagkukunwaring sabihin ko na

Sana nga isang araw ay masakyan ko s’ya?

 

At masama rin ba mag-apply ng trabaho

Sa isang maganda’t napakaseksing amo

And if she’d ask anong pwesto’t maging sagot ko,

“Whatever position makapasok lang sa ‘yo!”?

 

Kung ganon eh di masama na rin siguro

‘Yung nangyari sa akin a long, long time ago

Nang may isang sosyalerang nakilala ko,

Salita’y puro “Mc Do, Makati Av, San Lo.”

 

‘Yun bang sino-short cut ang sinasabi nito

Kasi nga sa kabataan nun ‘yan ang uso,

May Kamameshi pa nu’t niyaya ko ito

At ang sabi ko, “Gusto mo mag-Kama tayo?”

 

Bakit ba eh nakikiuso lang ang tao!

Kaya ayun si short cut girl na-short time ako,

Ano bang malay ko’t walang sense of humor ‘to?

Pasalamat s’yat sa Kamagong ang tambay ko!

 

Oldies na ngayon ‘yut malamang nasa Bora,

Teka’t sagutin n’yo ‘ko… ano, masama ba?

Eh ngayon nga sa texting mas sino-short cut pa —

SX U 2NYT — “Ang sexy mo tonight” lang pala!

 

At masama rin ba kung ako’y makipagsosyo

Sa isang babae na kamote ang gusto,

O ‘yung tinatawag din minsang sweet potato,

At balut at eggs naman negosyong nais ko?

 

Masama rin ba kung tinda naming pareho

Ay mga “pampaano”… I’m sure alam na n’yo,

At sa palengke ay magtabi pa ng pwesto

At tawagin itong “KAMOTE MO, ITLOG KO”?

 

At masama rin ba kung Tatagalugin ko

Itong “rice toppings” na gusto ko ring negosyo

Upang maging Pinoy na Pinoy ang istilo

At gawing “KANIN AT IBABAWAN” titulo?

 

At masama rin ba kung ako’y magkumento

Patungkol sa kalusugan ng isang tao

Lalo na’t obesity na rito ang isyu

At sabihin ko sa iyong “FAT ANG INA MO!”?

 

Hoy mga masisiba mag-iingat kayo

Lalo mga bata ‘wag matakaw masyado,

Sa sasabihin ko t’yak kayo ay sisirko —

Do you know ang baliktad ng OBESE… E SEBO?!

 

And finally, pork o baboy ba’y bad talaga?

Sa isang ito ako ay may pagdududa

Dahil ang baboy… baboy buong katawan n’ya

Pero wala naman silang pinoproblema!

vuukle comment

LEFT

MAKATI AV

MASAMA

MC DO

PINOY

SAN LO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with