‘Ang Poet N’yo’

Habang ginagawa ko aking artikulo,

Kadalasan po ay may kinakain ako,

Short poems na lamang ngayon ang inihanda ko,

Ayoko namang lumake ang Poet ninyo.

 

 

“SUS… AGE! AND SAUSAGE”

 

Ewa’t marami d’yan sa edad diring-diri,

Hoy! It’s better E-D-A-D than D-E-A-D!

Eh karapatan naman daw n’yang magpa-beauty,

Kunsabagay nilalason nama’y sarili.

 

Uhum…korektum…lason…poison…botulinum!

Iskul Botox! School of Beauty and Fashion ngayon!

At magugulat kayo sa kanilang motum —

“Basta mukhang bata kahit walang emotion!”

 

And now sa “Sus…Age! and Sausage,” what’s the connection?

Eto na’t alam n’yo ba nung unang panahon

Kaya na-discover toxin ng botulinum

Dahil sa nakitang disease ng sausage noon.

 

At narito pa karagdagang kaalaman

Patungkol sa dyaskeng “long garnishing” na iyan,

Na ang dinig natin ay longganisa naman,

Kung bakit ang sausage “hotdog” na nabansagan.

 

Eh kasi nga natsismis sa Amerika nun

Na dogmeat o karne ng aso ang nandoon,

Patok sa chicken poodle soup ikumbinasyon,

Aw-awesome ang dessert na dog-nut kung ganoon.

 

 

“FOOD NA…EAT NA!”

 

“Kakain na! Hoy mga bata, kakain na!”

‘Yan ang madalas na sinisigaw ni ina

Kapag handa na ang pagkain o meryenda,

“Kakain na! Hoy mga bata, kakain na!”

 

“’Wag paghintayin ang pagkain”… ‘yay babala,

Pag mga bata’y nagbibingi-bingihan pa,

Mayayamot at tawag na n’yay mag-iiba

At mapupunta sa “Ano ba? FOOD NA… EAT NA!”

 

Food na… eat na! Meron nang tsibog…kakain na!

Food na…eat na! Subukang ulit-ulitin s’ya,

Food na…eat na! At ngayon ay bilisan mo pa,

Food na…eat na! O ano ngayon ang nakuha?

 

Food na…eat na! Ilang ulit nang nasambit ‘yan

Sa tindi ng sarap ng iyong inuulam?

‘Yan ‘yung kinakai’y malupit sa linamnam

Upang mapa-“Food na eat na!” ka kaibigan.

 

“Food na…eat na!” na malutong ang lalabas n’yan

Sa bunganga mong t’yak nabubulun-bulunan,

At kahit pa siguro puno lalamunan,

Malakas na “Food na eat na!” ang bibitawan.

 

Kung minsan ay meron pa ngang pagkakataon,

Dahil sa masidhing sarap ng nilalamon,

Nagiging “religious” ka and here’s your reaction,

“O Dios ko ‘wag n’yo muna kong kukunin ngayon!”

 

 â€œPHONE SEX?”

 

Love namin ni Eileen talaga isat-isa

Dahil minsan paggising ko isang umaga,

Sa ilalim ng unan ay aking nakita

Ang aming mga cellphones…magkapatong sila!

 

Naaliw, natuwa at ako ay natawa

Kaya sa Twitter tsinismis kong unang-una,

May nagtanong pa nga kung magkaharapan ba

At kung “safe text” nagpapraktis kaming dalawa!

 

At tila natukso pa akong sagutin ba

Ang mga mensahe nang pabiro din sana

At sabihing nang mga cellphones ay makita

Ay mga low batt na pareho ang dalawa!

 

Teka…marami din pala kahit small serving,

Aba’y sira din ang dyeta sa kinakain

At mahina na rin aking metabolism

Kaya asahang Poet n’yoy lalake pa rin!

Show comments