‘History’

Ang tanong:  Sino ang anak ni Herodotus?

Ang sagot ko lamang d’yan ay “HISTORY” of course,

At hindi naman po sa kayo’y binabastos,

He’s the FATHER of History, that is the because!

 

Ano, bakit “History” hindi sineseryo?

At dyino-joke nga lang madalas sa totoo?

Eh pa’no wala namang makaka-eksakto

Sa mga tunay na pangyayari kung ano!

 

Ngayon nga’y pwede pa dahil sa nabi-video,

Eh dun sa mga lumang kasaysayan pa’no?

Tanggap na lang natin ang mga lumang kwento,

Sa mga ito ba tayo ay sigurado?

 

Kaya sa biro dinaraan na lang minsan,

Marami pang kulang na mga kasagutan

At huli na ang lahat para patunayan

At sasabihin na lang natin, “Nand’yan na ‘yan!”

 

Salitang “History” kaya’y nanggaling ito

Sa linyang “HIS STORY” o “kanya lamang kwento”?

At bakit hindi at sino’ng kokontra dito?

At sino’ng hahatol kung alin ang totoo?

 

Kaya nga ‘yang Aguinaldo at Bonifacio

Hanggang ngayon ‘di masarhan kanilang kwento,

Mayroon kasing “sinabi n’ya, sinabi mo,”

Habang tumatagal lalo pang gumugulo.

 

Parang “Bulaga” lang ‘yat nakatapat nito,

Ilan na nga ba talaga kanyang tinalo?

Sa bilang maaaring maligaw na tayo,

Ang mahalaga s’ya pa rin ay naririto.

 

Buhay na patunay ibig sabihin nito,

Kung sino ang buhay ‘yon ang matatanong n’yo,

Ngunit ‘wag din kayong pakakasigurado

Na tunay din ang kanyang mga ikukwento.

 

Ubrang magbura o maging eksaherado,

Kung paulit-ulit nga daw ang isang kwento

At kahit na pa ito ay isang imbento,

Sa katagalan nga ay nagiging totoo.

 

Tulad lang ‘yan nang minsang utak ko’y maglikot,

Nilagyan ng kahulugan ang salitang “TOAST” —

“To Offer A Special Tribute” — ‘yan ang inabot,

Pagtagal pwedeng dikit na ‘yan parang lumot.

 

Tiyak may ilang maniniwala sa ‘kin d’yan

At may mga noo’y kukunot di’t wala lang,

Ganyan lang talaga takbo ng kasaysayan,

Nasa sa tao ang gustong paniwalaan.

 

Kaya ang labanan na lang dito’y ganito —

Pagalinga’t pagandahan na lang ng kwento,

At may maganda pa ring nakukuha dito —

Marami rin itong nabebenta na libro!

 

Halos lahat ng “History” ay nakuha ko —

American, Oriental, World… at s’yempre dito,

Pati mga History ng pag-a-Arkitekto,

Ano say ko? History is useful… sa Quiz Show!

 

‘Wag na tayong lumayo’t dito na lang tayo,

Bakit ba tinatawag n’yo si Lapu-Lapu

Na isang bayani… a Filipino hero?

Hindi ba noon hindi pa “Philippines” tayo?

 

Sinong magaling ang gustong sumagot nito?

At bago “Philippines” pangalan nati’y ano?

At sino rin ba una sa tawag na ito —

Lapu-Lapu… siya ba o ‘yung piniprito?

 

Sa iba pa nga’y “The First Filipino Hero,”

‘Wag naman, iba pang title matatanggap ko,

Katulad ng...  s’ya ang unang D.O.M. dito,

Datu Of Mactan! Ano, napahiya kayo?!

 

At kung paniniwalaan mo ibang kwento,

Naging pangalan natin ay kung ano-ano,

May mga Chinese at meron pang “San Lazaro.”

At ‘yung ngayon si Villalobos author nito.

 

Kaya ang “History” ay sari-saring kwento —

May kwento ni Lola Basyang at sa kutsero,

May kwento ni Mang Totong na isang barbero,

Ang paniniwalaan ay nasa sa iyo.

 

Today is March 31 at Easter Sunday pa,

May dalawa pang “E” at anni-berdey nila,

Isa na d’yan ang Eiffel Tower na maganda

And a mother named Emma — s’yang mahal kong ina.

 

Happy birthday, Ma! Dapat pala at maganda

Eh sa Eiffel Tower ay naipasyal kita,

O sige pero ‘wag ka masyadong umasa

Sapagkat bukas ay April Fool’s Day nga pala!

Show comments