‘I have two Popes’ (The Ex and the Right)

Sa tuwing sumasapit ating Mahal na Linggo

Ay hindi maiiwasang muli kong ikwento

Ang isang kasaysayang ano ang malay ninyo

At baka isang araw mangyari din sa inyo.

 

Sa isang lumang simbahan ay merong nakita

Na taimtim na nananalanging isang lola,

Ang pag-i-Istasyon ng Krus ang ginagawa n’ya

At sa bawat pagtigil ay sinusundan ko s’ya.

 

Nang bigla isang punto at ‘di kaginsa-ginsa,

May sablay pala si lola at aking napuna,

Pag-i-Istasyon ng matanda’y paatras pala!

Mula sa Katorse bumabalik s’ya sa Una!

 

Agad-agad kong pagkakamali n’yay binisto,

Natauhan s’yat nasabi ng lolang nalito,

“Dyaske, kaya naman pala amang napansin ko —

Palakas nang palakas  itong si Hesukristo!”

 

Ngek talaga ngunit nakakatawa hindi ba?

Parang kasabihan ko nun sa aking programa —

“Wow, Mali!” — na tama’y nakakatuwa talaga…

Pero ang mali kung minsan ay nakakatawa!

Kunsabagay may kaguluhan talaga yata

Ang ilang salita lalo na ‘yung tungkol “tama,”

Dahil kung ikaw ay tama you are correct bata!

Ngunit pag “may tama” ikaw naman ay may sira!

Kung natawa kayo doon o natuwa man lang,

Aba eh ano pa ba ang hinihintay n’yo d’yan?

Ops, hindi po palakpakan aking kailangan

Sapagkat mahalaga ngayon ay PALASPASAN!

 

After “Habemus Papam” ay pa-Palm Sunday naman,

Teka nga pala, dapat may double celebration

Kasi in this lifetime two living Popes tayo meron!

I have two Popes, the ex and the right…yes the right one won!

 

Rectus et absolutus! Iba ang kanyang modus —

Humble, simple, koboy at ang bagong Pope nagbu-bus!

Galing pa sa pinakamaraming Catolicos

At mukhang walang “Aires” kaya “Buenos na Buenos.”

 

Jorge Mario Bergoglio — s’yay isang Argentino,

Kauna-unahang Latino-Amerikano,

In na in pa at moderno kanyang apelyido —

BERGOGLIO — ‘di ba tunog GOOGLE pag pinakyut mo?!

 

At Pope Francis the First na nga ang pinili nito,

Kaya hanggang ngayon wala pa ring nagpe-Pedro,

Alam n’yo kung bakit walang gumagamit nito?

Eh kasi nga daw doon, “ANG KAY PEDRO, KAY PEDRO!”

 

Sa dating na ito ng bagong Papa sa Roma,

Biglang maaalala si Francis Magalona,

Master Rapper o Papa sa Rap ng barkada,

Named after Saint Francis of Assisi din kasi s’ya.

 

“Papasarap” naman pag-usapan natin ngayon,

‘Di ba ibig sabihin n’yan ay pagbabakasyon?

‘Yan din kasi ipinunta sa Roma ng ilan,

O rambolin n’yo VATICANO…eh di VACATION!

 

Ngek ba? Eh di eto pa isa at isagad na —

Sa pagkuha ng Pope hindi n’yo ba napupuna

Na puro ma-pope-puti na mga buhok nila?

Pero basahin n’yo nang baliktad ang ARGENTINA…

ANIT NEGRA!

 

***

Other than my two Popes, sa wakas, I also have a Two-witter account. Yehey! Follow me @AngPoetNyo. Palo ang pwet? Ngek!

Show comments